^

Punto Mo

EDITORYAL - Natupad ang pagharap ni Digong sa ICC

Pang-masa
EDITORYAL - Natupad ang pagharap ni Digong sa ICC

HINDI malilimutan ang mga katagang binitiwan ni dating President Rodrigo Duterte nang humarap sa House quad committee noong Nobyembre 13, 2024. Malinaw ang paghamon niya sa International Criminal Court (ICC): “I am asking the ICC to hurry up and if possible, if they can come here and start the investigation tomorrow. Baka mamatay na ako, hindi nila ako maimbestigahan. That’s why I am asking the ICC through you na magpunta na sila rito,” ‘yan ang sabi ng dating Presidente.

Hinamon pa niya ang quad comm na bigyan siya ng pera at siya na ang pupunta sa ICC sa The Netherlands. Gagawin daw niya iyon para sa bayan at para sa mga anak. Hindi raw nila alam ang pagsasakripisyo ng mga magulang, hindi raw nila alam ang mga misteryo, hindi raw nila alam ang pinagdadaanang hirap ng mga magulang. Pinag-aral daw ang anak mula kinder, elementarya hanggang high school at pagdating ng college, nabaliw lang sa droga kaya talaga raw papatayin niya ang drug lords.

Marami pang sinabi si Duterte sa pagdinig ng quad comm at kahit pinagbawalan nang huwag magbitiw ng mga masasamang salita, hindi pa rin nito napigilan kaya sumabog ang “putang-ina”, “gago” at “sira-ulo” sa pagdinig.

Nangyari ang kanyang kahilingan sapagkat sa isang iglap ay nasa headquarters na siya ng ICC kung saan siya lilitisin sa mga susunod na araw. Mabilis ang mga pangyayari noong Martes. Pagbaba ng Cathay Pacific na sinakyan ni Duterte mula Hong Kong, sinilbihan na siya ng warrant of arrest na inisyu ng ICC sa Interpol. Tinulungan ng Philippine National Police (PNP) ang Interpol sa pagsisilbi ng warrant. Makaraang basahin kay Duterte ang nilalaman ng warrant, isinakay na siya sa isang van at dinala sa Villamor Air Base at isinakay sa eroplano. Dakong 11:03 ng gabi, lumipad na ang eroplano.

Bago ang pag-aresto kay Duterte, sinabi niya habang nasa Hong Kong na tanggap na niya kung anuman ang mangyayari sa kanya. Lumaganap ang pag-aresto sa dating Presidente habang nasa Hong Kong kasama ang anak na si Vice President Sara Duterte at iba pang miyembro ng pamilya. Nagsalita si Duterte sa harap ng overseas Filipino workers (OFWs) at ikinampanya ang mga sinusuportahang kandidato para sa senado.

Nang arestuhin, kalmado naman si Duterte na tila tanggap na nga niya ang kapalaran at mga kahaharapin sa harap ng ICC. Maaring tanggap na nga niya ang lahat ng mga mangyayari. Ngayong haharap na siya sa ICC prosecutors, malaya siyang sabihin ang gusto para ipagtanggol ang sarili laban sa mga inaakusa sa kanyang mga pagpatay na naganap sa drug campaign. Ang tiyak, hindi siya maaring magmura sa harap ng ICC prosecutors.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->