AcroCity todo ang suporta sa NBA Legends Cup
MANILA, Philippines — Solidong suporta ang ibubuhos ng AcroCity sa Negros Basketball Association (NBA) Invitational Basketball Tournament na didribol sa Pebrero 22 sa Po Hang gym ng Tay Tung School sa Bacolod City.
Itatampok sa AcroCity NBA Legends Cup ang mga prominenteng players ng Negros kagaya nina dating Ginebra star Noli Locsin, Bong Ravena at sina Vernie at Vic Villareas na naglaro sa mga major collegiate at amateur leagues patungo sa PBA.
“We are more than glad to be part of this momentous event that will see Negros legends showcase once again the talents that have made them big in various leagues,” sabi ni Angelo Wongchuking, ang executive vice president ng Czark Mak Group na developer ng AcroCity na matatagpuan sa Bulacan at Central Luzon.
Ang AcroCity ang inaasahang magiging pinakabagong lifestyle hub ng rehiyon.
“We have lots of friends from Negros who played for my team before, including Victor Villarias,” dagdag ni Wongchuking.
Kagaya ng kanyang utol na si Vernie, naglaro rin si Victor para sa University of the East sa UAAP at sa nabuwag na PBL.
“We know very well how they are missed by their families, friends and fans, so we are giving our support to their reunion games to provide fun,” wika naman ni CZM Director Keith Wongchuking Jr.
Ang event, itinataguyod din ng Upgrade, Apir at Sapporo, ang magpaparangal din sa mga founding officials ng asosasyon sa pangunguna ni Dodong Bascon.
- Latest