Japeth out muna sa Doha tourney
MANILA, Philippines — Hindi makakasama si Japeth Aguilar sa ratsada ng Gilas Pilipinas sa 2nd International Friendly Basketball Championship sa Doha, Qatar na nakatakda sa Pebrero 14 hanggang 16.
Mismong si Aguilar na ang humiling na hindi muna ito makakasama sa Qatar upang pagtuunan ang mga personal na bagay dito sa Maynila.
Tiniyak din ng coaching staff ng Gilas Pilipinas na walang anumang injury si Aguilar kaya’t walang dapat ipangamba.
Makakalaban ng Gilas Pilpinas ang Qatar, Egypt at Lebanon sa naturang four-nation tournament.
Nilinaw ni Gilas Pilipinas team manager Richard del Rosario na tanging sa Doha event lamang hindi makakasama si Aguilar.
Makakapaglaro pa rin ang Barangay Ginebra standout sa dalawang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers.
Ang partisipasyon ng Gilas sa Doha ay bahagi ng paghahanda nito para sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Matapos ang Doha tournament, agad na tutulak ang Gilas Pilipinas sa Taipei, Taiwan para sa unang laro nito sa qualifiers sa Pebrero 20 kung saan makakasagupa ng Pinoy squad ang Chinese-Taipei.
Makakaharap din ng Gilas ang New Zealand sa Pebrero 23 na gaganapin naman sa Auckland, New Zealand.
- Latest