^

Metro

Pasay LGU sa mga trader Sundin proseso sa pagkuha ng business permit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Pasay City LGU ang mga negosyante sa lungsod na sundin ang proseso sa pagkuha ng business permit at hindi papayagan ang palakasan system.

Ang paalala ay ginawa ni Atty. Patrick Legaspi, officer-in-charge ng Pasay Business Permit and Licensing Office (BPLO) kasunod ng umano’y  patuloy na operasyon ng Wowee Market  na binigyan lamang  nila ng probationary permit noong nakaraang taon gayong walang fire safety permit, sanitary at occupational permit.Sinabi ni  Legaspi na paulit-ulit na nilang pinadalhan ng notice ang nasabing palengke upang  kumpletuhin ang mga dokumento subalit paisa-isa naman ang pagsusumite ng mga dokumento  nito.

Giit ni Legaspi, malinaw ang direktiba sa kanila ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na bigyan ng kunsiderasyon ang lahat ng negosyo kaya’t bi­nibigyan nila ng panahon ang mga negosyante na sundin ang proseso hanggang sa Enero 20 upang makakuha ng business permit.

“Kung wala pa rin silang complete requirements, wala po tayong magagawa. Hindi natin sila bibigyan ng permit to operate hangga’t walang completion of requirements. Hindi po natin pwedeng isaalang-alang ang kaligtasan ng publiko lalo na kung wala silang fire safety at sanitary permit,” ani Legaspi.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with