^

PSN Showbiz

MTRCB, hinikayat ang publiko na suportahan ang mga pelikulang kalahok sa 50TH MMFF

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MTRCB, hinikayat ang publiko na suportahan ang mga pelikulang kalahok sa 50TH MMFF
Lala Sotto-Antonio
STAR/File

Mariing hinikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamilyang Pilipino na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nag-umpisa kahapon, Christmas day.

Binigyang-diin ng Board ang malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagda­ting sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.

“Hindi lang isang taunang pista ng pelikulang Pilipino ang MMFF kundi isa rin itong selebrasyon ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang isang lipi,” sabi Chair Lala. “Ang pagsuporta natin sa mga lokal na pelikula ay malaking tulong upang mas lumago pa ang industriya ng pelikula sa bansa.”

Ang MMFF ngayong taon ay sumasalamin sa iba’t ibang tema at naratibo na pasok sa lahat ng klase ng manonood. Pito rito ay swak para sa pamilyang Pilipino, habang ang nalalabi ay para sa mga may edad na.

Muling pinaalala ni Chair Lala ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa res­ponsableng panonood ng mga bata. “Ating tiniyak na ang 10 pelikula na kasali sa MMFF ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Pero ang res­ponsibilidad para tama ang panonoorin ng mga bata ay nakasalalay sa gabay ng mga magulang at nakakatanda,” dagdag niya.

MTRCB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with