^

Metro

DSWD nanawagan ng donasyon, volunteers para sa food bank at kitchen

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ng food donations mula sa mga restaurants at fast foods, gayundin sa mga indibidwal na nagnanais na magbigay ng boluntaryong serbisyo sa bagong bukas na Walang Gutom Kitchen ng ahensya.

“Gusto kong ipabatid sa inyo na humahanap kami ng food donations pati na rin service donations. Hinihikayat namin ang mga orga­nisasyon at indibidwal na gustong tumulong laban sa kagutuman na magtungo lamang sa Walang Gutom Kitchen sa Nasdake Building sa Pasay City para maging volunteer server natin for the day,”ani  Gatchalian.

Nitong Disyembre 16, sinimulan ng DSWD ang Walang Gutom Kitchen na pinakabagong innovative program ng DSWD na ­inaasahang magbibigay solusyon sa kagutuman sa bansa

Kabilang sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Kitchen ay mga bata, pamilya at indibid­wal na nakatira sa kalsada at mga mahihirap na Pilipinong nakakaranas ng kagutuman.

Bukod sa maiiwasan na ang involuntary hu­nger, malaking tulong din aniya ang Walang Gutom Kitchen sa pagkasayang ng mga pagkain.

Sinabi ni Gatchalian na sa  ilang buwan ay bubuksan pa ng DSWD ang mas marami pang Walang Gutom Kitchen sa buong bansa para masiguro natin na ang pangarap ng ating Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr ay maging reyalidad na at  mawakasan ang kagutuman.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with