^

PSN Palaro

Nlex tumiklop sa Converge

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Nlex tumiklop sa Converge
Pinasok ni Converge import Cheick Diallo ang depensa ng NLEX para sa kanyang layup.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isang 9-0 atake ang ginawa ng Converge sa dulo ng fourth quarter para talunin ang NLEX, 102-91, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Humakot si import Cheick Diallo ng 37 points, 18 rebounds, 2 blocks at 2 steals habang nagdagdag sina Alec Stockton, Jordan Heading at King Caralipio ng 16, 14 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Bumangon ang Fi­berXers mula sa naunang kabiguan sa NorthPort Batang Pier para itaas ang baraha sa 4-2.

“Whenever you’re co­ming off a loss, it gives a bitter taste in the mouth,” ani coach Franco Atienza. “So we just wanna go back, go back to what we are doing right, and review on where we could improve.”

“It just so happen that we were able to play together defensively and of course, run our system on offense,” dagdag nito.

Bagsak ang Road Warriors sa ikalawang dikit na kamalasan para sa 3-3 marka matapos ang naunang pagyukod sa Ginebra Gin Kings.

Kaagad itinayo ng Converge ang 30-18 abante sa pagsisimula ng second period patungo sa paglilista ng 72-60 kalamangan sa huling 3:44 minuto bago ang halftime.

Sa likod nina Ro­bert Bolick, Kevin Alas at import Mike Watkins ay nakadikit ang NLEX sa 82-84 sa pagbubukas ng final canto.

Ngunit isang krusyal na 9-0 bomba ang inihulog nina Stockton at Diallo para muling ilayo ang FiberXers sa 93-82 sa huling 4:07 minuto ng laro.

Ang inside basket ni Diallo sa nalalabing 1:19 minuto ng bakbakan ang tuluyan nang kumitil sa tsansa ng Road Warriors.

Tumapos si Watkins na may 36 points para sa NLEX habang may 26 markers si Bolick.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with