^

PSN Showbiz

Walang utang...Showtime, tuloy ang ligaya sa GMA

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Walang utang...Showtime, tuloy ang ligaya sa GMA
Atty. Annette Gozon-Valdez at Ruru Madrid

Walang pag-aalinlangang sinagot ni Atty. Annette Gozon-Valdez ng GMA 7 ang mga isyu sa mga programang susubaybayan natin sa susunod na taon.

Sa tono ng mga sagot niya tungkol sa It’s Showtime ay mananatili pa rin ang naturang noontime show nila Vice Ganda sa Kapuso network

Ani Ma’am Annette; “May hinintay kaming data kaya natagalan kami bumalik sa kanila. Siguro mga 95 percent ano na yan. Wala namang problema kasi e. Konting pag-uusap lang.”

Sinasabi naman ni Ma’am Annette na gusto pa rin nilang manatili ang it’s Showtime sa Kapuso network.

Kaya lang daw pumasok ang TiktoClock sa isyu dahil magkapareho ng format ang dalawang programang ito. “As of now kasi, ang priorityis to retain Showtime. Basta magkaayos lang di ba? Dun sa terms, and siguro parang ano…ang TiktoClock kasi ganun lang yung format kaya naiisip na puwede siyang pumalit just in case biglang mangyari…bigla na lang later on ayaw na ng Showtime sa GMA, at least meron na kaming puwedeng ilagay,” sabi pa ng Senior Vice President ng GMA 7.

Sinabi rin niyang meron din silang inaayos sa terms kaya medyo bumabagal ang desisyon ng renewal.

“Wala silang utang,” pakli niya. “Sa ratings wala kaming problema. Yung ibang ano, yung ano namin, mas tungkol sa finances…ratings walang problema, ang taas taas ng ratings ng Showtime,” dagdag niyang pahayag.

Samantala, napapag-usapan din ang pagbabalik umano ng TAPE, Inc. sa GMA 7 na magkakaroon daw uli ng show sa Kapuso network. Pero ang sabi ni Ma’am Annette; “Meron silang letter. Kaya lang inuuna muna namin yung discussions nila with our finance team before we entertain.  Ang sabi kasi mag-uusap muna ang finances before kami mag-meeting.”

Nakatsikahan namin si Ma’am Annette sa Malacañang  kung saan doon ginanap ang Konsyerto sa Palasyo bilang pagsuporta ng administrasyong Marcos sa 50th Metro Manila Film Festival.

Proud siya sa entry ng GMA Pictures na Green Bones dahil kung ibabase pa lang sa trailer, mukhang mas maganda ito sa Firefly na humakot ng awards sa nakaraang MMFF. “Parang mas maganda ‘tong Green Bones. Kaya medyo masaya kami na naka-level up pa yung entry namin this year, compared to last year. E last year, ang ganda-ganda na ng Firely. Pero ito parang iba pang level,” napapangiti niyang pahayag.

Nandun din si Ruru Madrid na lalo pang gumuwapo sa haircut niya bilang isang pulis sa naturang pelikula. Wala sa Konsyerto sa Palasyo si Dennis Trillo.

Mini-mentor ni Pablo, wagi agad

Maganda ang ratings ng dalawang singing competition sa GMA 7 na nagkaroon ng finals nung nakaraag weekend.

Noong Sabado ay ang finals ng The Clash Season 6 na napanalunan ni Naya Ambi.

Nag-perform ang apat na finalists sa nakaraang Christmas party ng GMA 7 para sa media. Sa kanilang apat, lutang na lutang talaga si Naya.

Mukhang magkakaroon pa ito ng season 7 dahil consistent namang mataas ang ratings nito.

Nung Linggo naman ang finals ng The Voice Kids na nasa season 6 na rin.

Napanalunan ito ng pambato ng Tropa ni Pablo na si Nevin Adam Garceniego.

Magaling din naman ang batang ito, at ang bongga ni Pablo ng SB 19 dahil ngayon pa lang siya napasok sa The Voice, wagi agad ang mini-mentor niya.

Pagkatapos ng The Voice Kids, ang pagbabalik naman ng action-comedy na Walang Matigas na Pulis na Matinik na Misis ni Sen. Bong Revilla ang papalit sa timeslot nito na 7:15 tuwing Linggo ng gabi.

GMA

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with