KQ kumpirmadong lalaro sa KBL
MANILA, Philippines — Halos mahigit walong buwan na basketball ang focus ni De La Salle University star Kevin Quiambao kaya naman pagkatapos ng kanilang Game 3 do-or-die Finals kontra University of the Philippines sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro noong Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum at magpapahinga muna ito para samahan ang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.
“For me, papahinga muna ako ngayon. I think I have until this December. Pahinga muna ako and I don’t know what’s next,” saad ni back-to-back MVP, Quiambao.
Pagkatapos ng hirap na pinagdaan sa mga trainings sa paglalaro nito sa Gilas Pilipinas at De La Salle at pagbalanse sa kanyang pag-aaral at pagiging tatay, ayaw muna isipin nito ang susunod sa kanyang basketball career.
“For now, ayoko muna isipin. Pahinga muna ako kasi eight months ako nag-ba-basketball. Tuluy-tuloy at straight,” wika ni Quiambao.
Ilang Linggo lang makakasama ni Quiambao ang kanyang asawang si Faye Aguila at bagong panganak na si Kevin Vennan.
Ilang araw pagkatapos ng Bagong Taon ay tutungo si Quiambao sa Korea para pormal na pumirma ng kontrata sa KBL team Goyang Sono.
Yumuko ang Green Archers sa University of the Philippines Fighting Maroons, 62-66, sa ‘do-or-die’ Game 3 ng UAAP Season 87 men’s basketball tournament noong Linggo.
- Latest