Lolo nanood ng liga, pinagtataga ng 3!
SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Pinagtulung-tulungang tagain hanggang sa mamatay ang isang lolong mangingisda ng tatlong magsasaka habang ang biktima ay nanonood ng larong basketball sa Sitio Centro, Barangay Don Juan Vercelos sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagmistulang kinatay na karne ng hayop ang katawan dahil sa tinamong mga taga ay kinilalang si Eufemio Buquil, 61, may-asawa residente sa nasabing barangay habang tinutugis na ang mga suspek na sina alyas “Angelo”, alyas “Nono at alyas “Jomar”, mga residente rin sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ng San Francisco Police, bandang alas-7:00 ng gabi habang nanonood ng liga ng basketball ang biktima nang lapitan ng tatlong suspek.
Maya-maya ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at biktima hanggang sa bumunot ng gulok ang mga suspek at pinagtulungang pagtatagain ang matanda.
Nang naliligo na sa sariling dugo ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin bitbit ang mga gulok na kanilang ginamit sa krimen.
Sinampahan na ng kasong murder ang mga suspek kasabay ng pagtugis sa kanila ng mga otoridad.
- Latest