^

PSN Showbiz

Isyu sa pulitika, mas madrama pa sa teleserye!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Oh wow, parang teleserye rin sa tunay na buhay ang nagaganap sa ating pulitika ngayon.

Wala nang Unity pero may corruption issues, may security issues at may usaping pagpatay. Paano na?

Parang pelikula lang, na nakakalungkot dahil sana, nakikita ng mga tao bilang mabuting ehemplo ang mga lider na ating ibinoto. At may EDSA people power daw ba?

Ay naku, masahol pa talaga kadalasan ang drama sa pulitika sa pelikula.

‘Di lang pang-pelikula...

Umabot na sa bilyon mark earning ang Hello, Love, Again sa kanilang box office take – kasama na ang international screenings. Time to think of the next project for Alden Richards and Kathryn Bernardo, ‘di ba?

Totoo bang instead na isang pelikula na naman ay isang teleserye ang posibleng ihanda para sa hit movie tandem na puwedeng co-production ulit ng ABS-CBN at GMA?

If ever, ito na kaya ang sasalba sa TV career ni Alden na mukhang hindi ganu’n kaningning sa kanyang career bilang movie actor? Talagang you really couldn’t have it all talaga ba?

Pero teka, sila na nga ba talaga – sina KathDen? Hindi lang pampelikula? Ano ba talaga, Kuya?

Wicked, pinakanta ang moviegoers sa sinehan!

Mixed reviews ang film version ng Wicked.

Lumabas ang mga taga-teatro at sinuportahan ang pelikulang ito at whether or not nagustuhan nila sina Cynthia Erivo at Ariana Grande as Elphaba at Galinda, tumodo rin naman si Jon M. Chu pati na si Jonathan Bailey! At ‘yung cameo nina Kristin & Idina cameo, nadala ba kayo?

In fairness, may sariling market following ang Wicked – ang reklamo lang ng ibang nanonood ay parang napakahirap pigilan ng mga Pilipino sa pagkanta. Bakit kaya?

Akala ba nila ay isang malaking karaoke bar ang sinehan? Excuse me! Hahaha!

Raymond, nabuo ulit ang bagets!

Maganda ang naging reviews sa 40th Anniversary Concert ni Raymond Lauchengco na Just Got Lucky noong weekend. Dumaan ang Concert King Martin Nievera pagkatapos ng kanyang Christmas Station ID shoot sa ABS-CBN pati na ang mga kasamahang Bagets ni Raymond na sina Aga Muhlach, Eula Valdez, Chesca Iñigo, Yayo Aguila at Ramon Christopher.

Ang ganda lang talaga ng samahan ng mga batang ‘80s, ‘di ba? Sayang lang talaga, hindi natuloy at nabuo ang Bagets Reunion sa kanilang 40th Anniversary rin.

Bakit kaya? Matuloy pa ba kaya yun? Sana!

Nakakataquote:

“Being sexy in this modern times, siguro naman wala na yung stereotype of body na, ‘Ah, iyan, sexy iyan.’ If you feel sexy, then you are sexy. So ‘yun lang naman ‘yun, e. Don’t be shy about kung ano ‘yung size mo, ‘yung color mo, itsura mo… as long as you feel sexy, flaunt what you feel good about yourself.” – Kim Chiu as the new Tanduay girl on being sexy ngayon

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with