False alarm
Hindi kaya false alarm ang sinasabing pagwawakas ng isang show dahil sa pagkalugi? At dun lumabas na ang balita na diumano posibleng It’s Showtime ‘yun na magtatapos daw ang kontrata sa GMA 7.
Under renegotiation pa rin ang kontrata nito ngayon, at sana ay tuluy-tuloy pa rin ito sa arrangement ngayon dahil nagwo-work naman ito nang ganito.
Mas ok na ‘yan dahil nasa TV pa rin ang mga tao. I’m sure kapag nawala ang It’s Showtime sa GMA 7, mas sa digital na tuluyang babaling ang mga tao. Malamang goodbye TV na ang ibang madlang pipol!
Kayo ba, sa TV pa rin ba nanonood ng mga programa?
Award ni Kathryn, ‘di natapatan ni Alden
Congratulations kay Kathryn Bernardo who won as Rising Star Awardee sa Snow Leopard Competition in the Asian World Film Festival na ang closing fill ay ang Hello, Love, Again.
Paano naman si Alden, wala bang male counterpart sa award na ‘yun? Na kahit Star of the Night man lang sana?
Gerald, idadaan sa kanta ang katotohanan?!
Nasa video shoot sa Panglao, Bohol ang Prince of Ballad na si Gerald Santos at dito na kaya niya shinu-shoot ang kanyang music video ng new single niya? Sabi niya mismo risque at controversial ang kanyang new single, bakit? Title pa lang nito ay kakaiba na – did you guess it right?
Hubad! Tatambad ba ang hubad na katotohanan sa kantang ito to be released soon?
Ano kaya ang masasabi rito ng musical director na si Danny Tan? Abangan!
Nakakataquote:
Sa isyu na mawawala na sa ere ang Batang Quiapo at kinukulang na ito sa pondo at paulit-ulit na lang daw ang nakikita rito:
“Not true! Malaki ang kinikita ng Batang Quiapo! Magtatagal pa ang show!” – Joel Lamangan, aktor ng Batang Quiapo
- Latest