^

Pang Movies

Ellen, natupad ang plano

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ellen, natupad ang plano
Ellen

Kung ako rin naman si Ellen Adarna, gagawin kong ilihim ang pagbubuntis.

Bongga ‘di ba na kahit kalat dedma talaga sila. Hindi sila umamin ni Derek Ramsay.

Katwiran ng aktres, gusto niya ng “quiet and peaceful” ang ginawa nila na nangyari naman.

Bagama’t sinabi niyang alam naman ito ng kanyang mga kaibigan at kapamilya. “I didn’t want it to be a surprise. My friends and family knew I was pregnant. I didn’t hide it when I went out. I would even wear a crop top and show off my belly bump. I just didn’t announce because I don’t need to. I want a quiet and peaceful pregnancy,” sabi niya.

Sabi ko nga, mind your own business. ‘Wag nang pakialaman ang buhay ng may buhay.

Isang babae ang dragon baby nila ni Derek.

Miguel, in love na in love kay Ysabel!

Pinakilig ng aktor na si Miguel Tanfelix ang fans nila ni Ysabel Ortega dahil sa pinost niyang litrato nila sa isang photobooth.

Kuha ang mga litrato sa Japan noong dumalo sila sa cinema premiere ng Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.

Sobra ang kilig ng YsaGuel fans nang makita nila sa litrato ang paghalik ni Miguel sa pisngi ng anak ni Sen. Lito Lapid.

Pero bukod doon ay tumodo pa ang kilig ng mga tagahanga nila na nasa Japanese characters na ang ibig sabihin pala ay “I love you.”

So kailangan pa ba nilang umamin?

Bongga.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with