^

PSN Palaro

Bakbakang Cone, Reyes hitik sa aksyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bakbakang Cone, Reyes hitik sa aksyon
Asahan na ang matinding aksyon sa pagitan ng tropa ni TNT coach Chot Reyes at bataan ni Ginebra coach Tim Cone sa PBA Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Matapos ang 12 taon ay muling maghaharap sa PBA Finals sina champion coaches Tim Cone ng Barangay Ginebra at Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.

Anim na beses nagtuos sina Cone at Reyes sa best-of-seven championship series at ang huli ay sa 2012 Commissioner’s Cup kung saan ipinasok ni import Denzel Bowles ang dalawang krusyal na free throws sa regulation patungo sa 90-84 panalo ng B-Meg sa Talk ‘N Text sa Game Seven.

Ang 66-anyos na si Cone ang humawak sa B-Meg, habang ang 61-an-yos na si Reyes ang gumiya sa Talk ‘N Text sa nasabing PBA Finals.

“There’s always been that rivalry between Ginebra and Talk ‘N Text. Loo­king forward to mixing it up with my buddy,” ani Cone sa duwelo nila ni Reyes.

Magtutuos ang Gin Kings at Tropang Giga sa Season 49 PBA Governors’ Cup Finals na magsisimula sa Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.

Sinibak ng Ginebra ang San Miguel, 4-2, habang iniligpit ng TNT ang Rain or Shine, 4-1, sa kani-kanilang best-of-seven semifinals showdown.

Tabla sa 3-3 sina Cone at Reyes sa kanilang duwelo sa PBA Finals.

Tinalo ng Tropang Giga, pinamahalaan ni Jojo Lastimosa matapos hawakan ni Reyes ang Gilas Pilipinas, ang Gin Kings, 4-2, sa 2023 Governors’ Cup title series.

Muli ring magtatapat sina Best Import awar-dees Justin Brownlee ng Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT.

Ito rin ang ikalawang sunod na pagkakataon na maghaharap sina Brownlee at Hollis-Jefferson sa finals matapos sa nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong 2023.

“RHJ is so strong, man. I got a lot of respect for him and his game. Of course, we got some recent history, the past and recent history,” wika ng 36-anyos na si Brownlee sa 29-anyos na si Hollis-Jefferson na naglaro sa NBA noong 2015 hanggang 2021 para sa Brooklyn Nets, Toronto Raptors at Portland Trail Blazers.

Pinatumba ni Brownlee at ng Gilas Pilipinas si Hollis-Jefferson at ang Jordan para sa gold medal ng Asian Games.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with