^

PSN Opinyon

Bangkay ni Marcos ipahuhukay ni Sara

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Napakasaklap na marinig sa isang Vice President ang isang iresponsableng pahayag kahit pa ito’y silakbo ng kan­yang galit kay President Bongbong Marcos Jr.: “Ipahu­hukay ko ang bangkay ni (dating Presidente Marcos) at ipa­tatapon ko sa West Philippine Sea.” Ito mismo ang harap-harapang sinabi ni VP Sara kay Sen. Imee Marcos.

Marahil, ang ipinagpuputok ng butse ni Sara ay ang pa­tuloy na paghalukay sa issue kung paano ginastos ng Office of the Vice President ang kanyang intelligence fund ng House Quad Committee. Ang binitawan niyang statement ay sumulpot lang bigla marahil sa kanyang bibig bunsod ng galit.

Pero para sa isang opisyal ng pamahalaan na isang “hatsing” na lang ang distansiya sa pagka-presidente ay hindi niya dapat sinambit ang pahayag nang walang urba­nidad at pinag-aralan. She was obviously emulating her badass father who, in his Presidency said, itatapon niya sa dagat ang mga kriminal upang ipalamon sa mga isda.

Mas peligrosong maging Presidente iyan kaysa kanyang bruskong tatay. Binatikos pa niya si Bongbong sa pagsasabing walang kakayahang maging Presidente. Ang basehan lang niya marahil ay ang hindi pagkunsinti ng admi­nistrasyon sa mga nagdaang pagkakamali ng rehimeng Duterte gaya ng extra judicial killings.

Hindi kaya alam ni Sara ang batas na ang balak niyang gawin ay desecration of the dead na isang krimeng may takdang parusa? Sasabihin niya siguro, figure of speech lang yon, pero mali pa rin. Isang hulmahan lang ang pinag­mulan nilang mag-ama.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with