^

Metro

COC filing, ‘generally peaceful’ – Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COC filing, �generally peaceful� � Comelec
First House Representative aspirants file their certificates of candidacy at the Commission on Elections-National Capitol Region Office in San Juan City on October 1, 2024.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na naging “generally peaceful” o mapayapa sa pangkalahatan ang idinaos na 8-araw na filing ng certificates of candidacy (COC) para sa National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025.

Sa media briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Comelec George Erwin Garcia na bagama’t may naitala silang insidente ng COC snatching sa Negros Oriental, hindi naman ito repleksiyon ng kabuuan ng filing period. Naitala rin ang naganap na engkuwentro sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng lima nitong Martes.

“Generally peaceful. ‘Yung isang insidente sa isang bayan ay hindi reflection nang kabuuan ng filing period,” ayon kay Garcia.

Matatandaang ang COC filing ay sinimulan noong Oktubre 1, at pormal nang nagtapos kamakalawa, Oktubre 8.

Ayon sa Comelec, nasa 184 ang mga kandidatong naghain ng COC para sa senatorial race. Ito ay mas marami kum­para sa 176 lamang na naghain ng kandidatura noong 2022 elections.

Samantala, nasa 190 naman ang mga grupong naghain ng kandidatura para sa party-list race, na mas kakaunti kumpara sa 270 na naghain ng kandidatura noong 2022 polls.

Anang poll body, kaagad nilang pag-aaralan ang mga inihaing COC ng mga aspirants at maglalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato bago matapos ang taon.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with