Comelec inaasahan ang paglahok ng higit 20 milyong Gen Z voters sa 2025 elections
MANILA, Philippines — Mahigit 20 milyong botante, na kabilang sa tinaguriang Generation Z, ang inaasahan ng Commission on Election (Comelec) na lalahok at boboto para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kung ang pagbabasehan ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), aabot sa 24 milyon ang mga botanteng kabilang sa naturang henerasyon, kasama na ang mga nagkakaedad ng 15-17 years old.
Aniya, “More or less, nag-e-expect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan.”
Ang Generation Z (Gen Z), o yaong mga indibidwal na ipinanganak sa pagitan ng mga taong 1997 at 2012.
Kaugnay nito, nanindigan rin naman si Garcia na mahalaga ang boto ng kabataan sa mga halalan.
Sa datos ng Comelec, aabot sa kabuuang 65 milyon ang botante para sa midterm polls.
- Latest