^

Police Metro

Sual Mayor Calugay, ‘di nobya si Alice Guo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality humarap na ang mga isinasangkot sa iligal na operasyon ng mga POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga at ang ginawang pagtakas ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Bukod kay Guo ay dumalo rin sa pagdinig si Sual Mayor Liseldo “Dong” Calugay na agad tinanong kung may ugnayan at karelasyon niya si Guo.

Paulit-ulit na itinanggi ni Calugay na naging girlfriend o karelasyon niya si Guo at iginiit na magkaibigan lamang sila sa kabila ng mga larawang ipinakita nina Committee Chairperson Risa Hontiveros at Se­nate President pro-tempore Jinggoy Estrada, na pareho sila ng suot ng campaign shirt, kapwa rin dumalo ang bawat isa sa victory campaign caravan matapos manalo sa 2022 election, at may dalawa ring larawan na mistulang “couple shirt” dahil sa pareho ang kulay at print.

Pinasinungalingan din ni Calugay ang tanong ni Senator Joel Villanueva kung mayroon silang joint bank account, mga negosyo, at kung “MU” sila ni Guo o “mayroong usapan”.

Nabunyag din sa pagdinig ang di umano’y dalawang anak nila Guo at Calugay na itinanggi rin nila.

Kasama rin sa mga itinatanggi ni Calugay ang mga negosyo na sinasabing magkasosyo sila ni Guo kabilang ang AC Aquafarm, Dee Aquafarm, Licsel Aquafarm, Dunguo Fish Farm, Guco Aquafarm na pinabulaanan din ng alkalde.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with