^

PSN Showbiz

Negosyante na nagtatago sa ibang bansa, may warrant of arrest na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakapanlumo ang karagdagang balitang nari­rinig namin tungkol sa magaling na aktor.

Diumano’y wala siya rito, at baka nasa ibang bansa na raw ito kasama ang kanyang pamilya.

Tahimik pa rin siya at paminsan-minsan ay may nakikita sa kanyang social media account, pero hindi alam kung nasaan siya.

Sinubukan ko siyang i-text pero walang sagot, na inaasahan naman namin, dahil hindi nga raw niya sinasagot ang mensahe ng ilang mas malapit sa kanya.

Ang latest kasing nabalitaan namin, umakyat na raw ang kasong isinampa sa kanya ng ilang investors sa isang negosyong hindi namin natitiyak kung alin dun.

Ayon pa sa ilang nagkuwento sa amin, may naririnig daw siyang maiisyuhan na raw ito ng warrant of arrest, kung hindi pa siya nagpapakita.

Kung totoo man ito, tila pinangunahan na niya kaya hindi na siya nagpapakita.

Nakakalungkot dahil napakabait pa naman ng aktor na ito at napakasipag.

Sana maayos pa, dahil gusto pa rin naming mapapanood siya sa pelikula at telebisyon.

Sana huwag na ring mag-ingay o palakihin pang isyu ng mga taong naghahabol diumano sa kanila.

Sylvia, walang plano sa pulitika!

Maraming dapat ipagpasalamat si Congressman Arjo Atayde dahil kahit mas naka-focus siya ngayon sa public service, napapansin pa rin ang galing niya bilang aktor.

Ang latest nga ay ang pagkapanalo niya sa 2024 ContentAsia Awards sa Taipei, bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang magaling na pagganap bilang si Anton dela Rosa sa Cattleya Killer.

Pagkatapos ng Cattleya Killer, marami pa siyang nagawa, at naka-line up nang ipalabas sa mga sinehan ngayong taon ang Topakk na dinirek ni Richard Somes, kasama niya rito si Julia Montes.

Natapos na rin niya ang Bagman na collaboration ng Nathan Studios ni Cong. Arjo sa ABS CBN Studios, Dreamscape at Rein Entertainment na dinirek ni Shugo Praico.

Hindi pa raw alam ni Cong. Arjo kung saang streaming service ito mapapanood ngayong taon.

Pinabulaanan niya rin ang narinig naming balitang magpo-focus muna siya sa pagiging aktor, at ang ina niyang si Sylvia Sanchez daw muna ang tatakbo.

“No, it’s not true. My mom is not replacing me. I have much to do. We have been working very hard with the district ‘no? And as a promise and responsibility and commitment to the people, for the this month actually… from last month pa, matatapos ko na my commitments. I was able to keep myself free until after elections as well. So, I can focus of course with the district. Tuloy po. Hindi po si Mommy, ako po,” saad ni Cong. Arjo.

vuukle comment

ARJO

SYLVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with