^

PSN Showbiz

Dominic, tinawag na toxic ang mga delulu sa kanila ni Kathryn

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dominic, tinawag na toxic ang mga delulu sa kanila ni Kathryn
Dominic Roque at Kathryn Bernardo.
STAR/ File

May bago na namang endorsement si Kathryn Bernardo na malapit nang ilabas pero wala pang clue kung ano ‘yun.

At hindi na kailangang magsalita ni Kathryn sa iniisyu na naman sa kanila ni Dominic Roque dahil lang sa in-upload na photo nila ni Dominic. Si Dominic na mismo ang nagsalita. May nag-comment kasi ng “Gone are the days when Dom could freely and ramdomly post ng solo pictures ni Kath sa feed nya without these crazy people think any other things about it.”

Sagot ni Dominic, “Kasi iniisipan nila ng kung ano ano. Mga delulu. Mga toxic sa soc med.”

May sagot naman dito ang tila tinamaan sa sinabi ni Dominic. Kung ayaw daw niyang magkaisyu sila, dapat group picture ang pinost niya at hindi ‘yung sila lang ng aktres. Saka, bakit daw blurred ang mga kasama nila sa photo, ibig daw sabihin, gusto nito maging isyu sila ni Kath.

Sa mga tumawag na ginagamit niya si Kath, ipinaalala ng fans nito na matagal na siyang hindi active sa showbiz at hindi niya kailangang gamitin ang mga kaibigan para maging relevant siya.

Ken, may paramdam sa kapalaran ng kanyang resto

Nagparamdam si Ken Chan sa kanyang Instagram followers ng dalawang latest post. Ang isa  ay three days ago at tungkol sa imaginary friends at isa sa nag-comment ang former GMA executive na si Joey Abacan. Nagpayo ito kay Ken ng “Be careful of imaginary friends- nagkalat sila @akosikenchan.”

Ang latest post niya ay kahapon lang, may photo niya na kumakain sa Café Claus na isa siya sa may-ari. Matalinhaga ang caption nitong “We fought for you, we believed in you... Thank you Café Claus.”

Ang mga comment ay nagtatanong kung nasaan siya? Kung totoo ba ang tsismis at kung babalik pa siya sa Abot-Kamay na Pangarap. Wala siyang sinasagot sa halos pare-parehong tanong ng kanyang followers.

Sa tanong kung babalik pa ba siya sa Abot-Kamay na Pangarap, tila malabo na ito dahil pinatay na ang karakter niya.

Sabi naman ng fans, puwede pa siyang bumalik sa ibang karakter naman. Si Pinky Amador nga raw, pinatay, pero bumalik din, iba na nga lang ang karakter nito.

Kahit walang sagot si Ken sa mga tanong sa kanya, masaya ang kanyang fans na nagparamdam siya at maghihintay raw sila na ito mismo ang magsalita bago maniwala sa mga isyu na ikinakabit sa Kapuso aktor.

vuukle comment

DOMINIC

KATHRYN

KEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with