^

Pang Movies

Isyu ang presyuhan ng ticket... fans ni Olivia at Bini, nagbardagulan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Isyu ang presyuhan ng ticket... fans ni Olivia at Bini, nagbardagulan!
Olivia Rodrigo

Nag-aaway-away ang fans ni Olivia Rodrigo at fans ng BINI dahil sa mura na ticket price sa concert ni Olivia. Sabi ng fans niya, ganu’n dapat ang presyuhan ng tiket sa concert, maa-afford lalo na at wala pang trabaho ang majority sa fans ng BINI at umaasa lang sa parents nila.

May sagot dito ang BINI fans, mas sikat daw ang BINI kay Olivia sa Pilipinas at mas maraming hit songs ang BINI.

May fans pa ang BINI na nag-comment na kahit mahal ang tiket sa three-night concert ng grupo sa Smart Araneta Coliseum, sold out na ito.

Samantala, hindi pa alam kung magso-sold out ang tiket sa concert ni Olivia.

Anyway, may shoutout si Olivia sa kanyang fans. “MANILA!!! I’m sooo excited to visit the Philippines for the 1st time for a very special Silver Star Show on the GUTS world tour on October 5.”

Magsisimula ang online sale ng P1,500 tickets sa Saturday, Sept. 14. Sa Sept. 29 naman, makakabili ng ticket sa Smart Araneta.

Ang maganda pa, ang P1,500 na tiket ay para sa lahat ng section sa Phil. Arena, kaya hindi mag-uunahan ang fans.

Chavit at GMA, may collab sa Makasalanan…!

Tuloy na ang collaboration ng GMA Pictures at former governor Chavit Singson at tila nagkapirmahan na ng kontrata nang magkita sina Chavit at Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ang sabi, hindi lang isa, kundi dalawang pelikula ang gagawin ng GMA Pictures at ng production ni Chavit. Ang isa ay may pamagat na Barkadahan ng Makasalanan to be directed by Benedict Mique.

Si direk Benedict ang katabi ni Chavit sa contract signing at kasama rin si Nessa Valdellon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Present din sa contract signing ang ilang Sparkle artists gaya nina Rabiya Mateo at Betong Sumaya.

Parang makakasiguro tayo na may location sa Vigan, Ilocos Sur na turf ni Chavit.

Jackie, boto kay Kyline?!

Masaya at nagpasalamat ang fans ni Kyline Alcantara at shippers nila ni Kobe Paras sa reels post ng mom ni Kobe na si Jackie Forster kuha sa New York Fashion Week. Sa make-up room, magkatabi sina Kyline at Kobe habang nagpapa-make up.

Hindi lang reels ang pinost ni Jackie, may caption pa ng “@itskylinealcantara sky is the limit for you two!”

Short caption kung tutuusin, pero nagbigay na ng saya sa fans ng dalawa. Ibig daw sabihin nito, tanggap nito si Kyline bilang great friend ni Kobe na ginamit nitong description nang tanungin kung ano niya ang Kapuso aktres.

Anyway, parehong rumampa sa New York Fashion Week sina Kyline at Kobe at proud mom si Jackie. Sabi nito, two days niya in-edit ang video at maganda ang kinalabasan, bagay na ipinagpasalamat ni Kobe.

May pahabol pang comment si Jackie na “So proud of you two” na lalong nagpakilig sa shippers nina Kobe at Kyline.

 

 

vuukle comment

OLIVIA RODRIGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with