^

Probinsiya

Hagip ng CCTV, pumasok sa kalapit-bahay..Nawawalang 10-anyos, natagpuang patay sa lababo!

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay na nang matagpuan sa lababo ng isang paupahang apartment ang isang 10-anyos na batang babae na nawala ng ilang oras sa kanilang tahanan sa Atimonan, Quezon, kahapon.

Kinilala lang ang biktima na si alyas “Kenisha”, grade school student, na sa inisyal na report ng pulisya ay biktima ng “murder”.

Sa paunang imbestigasyon, nadiskubre ang wala nang buhay na batang babae sa isang inuupahang bahay na malapit sa kanilang tahanan sa Barangay Zone 1, dakong alas-2:20 ng madaling-araw.

Nauna rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ni Kenisha at inireport ang pagkawala nito dakong alas-12 ng hatinggabi.

Sinabi ng pulisya na huling nakita ang biktima nang dalhin siya ng kanyang lola sa kanilang bahay sa Barangay Zone 1.

Sa paghahanap ng pulisya, ang katawan ng biktima ay natagpuan sa loob ng bahay na inuupahan ng ‘di pa binanggit na indibiduwal na nagsisilbi ngayong “person of interest” sa krimen.

Sa nakalap nilang video footage ng CCTV camera na nakakabit sa lugar, nakitang pumasok ang biktima sa nasabing apartment.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng search operation ang pulisya at pinasok nila ang apartment unit hanggang sa tumambad sa kanila ang batang biktima na nakahandusay sa sink at patay na.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang posibleng person of interest sa pagkasawi ng bata habang isinailalim sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with