^

Probinsiya

Chinese dinukot ng 6 na naka-face mask!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Chinese dinukot ng 6 na naka-face mask!
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring tawag na natatanggap o anumang report ang pamilya ng biktima na kinilalang si Sun Libin, nasa hustong gulang at residente ng  Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya matapos ang naganap na pagdukot ng anim na armadong kalalakihan na pawang may takip sa mukha sa isang Chinese national sa Kawit, Cavite kama­kalawa ng gabi.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring tawag na natatanggap o anumang report ang pamilya ng biktima na kinilalang si Sun Libin, nasa hustong gulang at residente ng  Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite.

Nangangalap na rin ng CCTV footage ang pulisya upang matukoy ang mga suspek na pawang nakasuot ng face mask nang dukutin ang biktima.

Batay sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang sinasabing kidnapping sa Acasia St., Brgy. Tabon 1, Kawit, habang pababa ng kaniyang sasakyan ang biktima at pauwi na sana sa apartment na tinutuluyan nito.

Nabatid na agad nila­pitan ng mga suspek ang biktima at sakay sapilitang isinakay sa isang Sedan na kotse saka sila sumibat.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with