^

Punto Mo

Japanese athlete na kinayang tumakbo ng 270 km sa loob ng 24 oras, nakatanggap ng Guinness World Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG atleta sa Japan ang nakapagtala ng world record matapos niyang matapos ang isang marathon na may habang 270 kilometers sa loob lamang ng 24 oras!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Miho Nakata ang pinakabagong world record holder ng titulong “Farthest Run 24 hours Ultra Distance (female)”.

Ito ay matapos niyang makatakbo ng 270.363 kilometers. Naitala ni Nakata ang record na ito habang kasali siya sa 14th IAU 24 Hour World Championship na naganap sa Taiwan noong Disyembre 2023 kung saan siya ang nagwagi ng gintong medalya sa Women’s Individual division.

Ayon sa Google Maps, ang layong 270 kilometers na itinakbo ni Nakata ay maikukumpara sa distansiya mula Cubao, Quezon City papuntang San Fernando, La Union.

Sa panayam kay Nakata, sinabi nito na noong siya ay bata pa, hindi sumagi sa isipan niya na magiging ultramarathoner siya dahil ang paborito niyang sport ay basketball.

Saka lang niya nalaman na gusto niya ang pagtakbo nang sumali siya sa track and field club noong siya ay college student na.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with