^

PSN Showbiz

Pamilya ni Caloy, no show pa rin

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ni Caloy, no show pa rin
Carlos Yulo
STAR/File

Very festive nga ang mood sa pagdating ng mga atleta nating lumaban sa Paris Olympics 2024.

Nakatutok ang lahat sa two gold medalist Carlos Yulo na parang lalong gumuwapo.

Maganda ang pagsalubong sa kanila, pero nakakalungkot lang dahil wala ang magulang o kahit mga kapatid man lang ni Carlos Yulo.

Inabangan sila hanggang sa pagdating nila ng Malacañang na kung saan binigyan sila ng parangal ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nakakatuwa ang ibang atleta na kasama ang kanilang pamilya, pero si Carlos ay wala.

Siyempre ang girlfriend niyang si Chloe San Jose ang nandun, na ang sabi ng iba ang ina raw ni Chloe ang kasama niya, at ang GAP President o Gymnastics Association of the Philippines na si Ms. Cynthia Carrion.

Sabi nga ni Carlos sa mga nakaraan niyang interviews, itong si Ms. Carrion ang tumatayo raw niyang magulang.

May ilang na-offend na ‘no show’ ang pamilya ni Carlos. Nagpadala nga ng quote card ang isang premyadong aktor na sinasabing, “No matter how poor you think you are, If you have FAMILY, you have EVERYTHING.”

Karamihan sa mga nanay ay nalulungkot na ang dating ay binura na ni Carlos sa kanyang sistema ang pamilya.

Nag-trending kahapon ang hashtag na #Chloe at karamihan ay pinupuri siya na nandiyan para sumuporta sa kanyang boyfriend.

Pinuri rin siya na tumanggi siyang magpa-interview kay Mariz Umali habang nagla-live coverage ang GMA News sa kanilang pagdating.

As of this writing ay inaabangan namin ang pagsisimula ng Heroes’ Parade na nagsimula sa tapat ng Aliw Theater.

Medyo naghigpit na sila sa mga media na gustong mag-cover, dahil may mga ilang isyu kaming naririnig doon.

Hindi raw nagustuhan ng mga taga-MMDA ang float na sasakyan ng mga atleta. Pero ayaw naman nilang mag-comment tungkol dun.

Jeric, sinagot ang status nila ni Rabiya

Na-extend sa story conference ng film project na Fatherland ang birthday celebration ni Jeric Gonzales.

Wala naman daw siyang celebration talaga, sabi ng Kapuso actor.

Magdi-dinner lang daw sila ng family niya kinagabihan. Pero hindi niya nabanggit kung ka-join si Rabiya Mateo.

Sila pa raw ni Rabiya, at mas okay daw na tahimik lang ang kanilang relasyon. “Happy and nagsusuportahan kami,” matipid na pakli ni Jeric kung sila pa rin ba ni Rabiya.

Wala pa siyang masabi kung may pa-birthday na ba si Rabiya sa kanya.

Wala rin kaming nakitang nag-post si Rabiya ng birthday greetings para sa boyfriend. “Sa ngayon wala pa, kasi busy. Happy lang kami sa nangyayari sa amin sa kanya-kanyang career,” sabi lang ni Jeric.

Maingat naman ang sagot ni Jeric nang napag-usapan na namin ang kaso ni Sandro Muhlach sa dalawang independent contractors.

Nalulungkot daw siya para kay Sandro na kasamahan niya sa Sparkle ng GMA Artist Center.

Hindi raw nangyari sa kanya ang naranasan ni Sandro. Pero mas mabuting mag-ingat na lang daw.

“Siguro kung ako ang tatanungin, of course hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero right kasi ‘yun ni Sandro, kung may na-violate sa pagkatao niya,” sabi pa ni Jeric.

Samantala, excited naman ang Kapuso actor sa Widows’ War na maganda ang takbo ng ratings.

Gustung-gusto niya ang role niya rito bilang si Francis, pero kabado raw siya sa co-actors niya, lalo na kay Bea Alonzo na kahit pangalawang project na nila itong pinagsamahan, nasa-starstruck pa rin daw siya.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with