^

Police Metro

P11 bilyong pekeng produkto na nasabat ng BOC, posibleng i-recycle - CCW

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posible umanong ma-recycle ang P11 bilyong halaga ng mga nakum­piskang pekeng produkto ng Bureau of Customs (BOC).

Ito ang naging pangamba ni Citizen Crime Watch (CCW) National President Diego Magpantay dahil sa hanggang ngayon ay tuloy ang ligaya ng mga sangkot sa korapsiyon sa BOC kung saan kabilang sa umano’ y “nire-recycle” ay mga vape pro­ducts na nagkakahalaga ng P500 milyon.

Batay sa nakalap nilang impormasyon, halos ubos na ang mga ito at ibinenta na nang paunti-unti na minamanipula umano ng alyas Nan at alyas Den na mga tauhan ng BOC.

Noong nakaraang linggo nang makumpiska ng BOC sa Binondo, Maynila ang nasa P11 bilyong halaga ng mga pekeng produkto.

Istratehiya umano nina alyas Nan at alyas Den na mag-isyu ng “safe keeping order” sa Condemnation Facility sa pamamagitan ng isang Mission Order.

Hiling ng grupo, isagawa ang inventory sa warehouse ng RCU Condemnation kung saan dinala ang mga vape para sa safekeeping.

Naniniwala ang grupo na dapat tutukan ng adminis­trasyong Marcos ang korapsiyon sa BOC lalo pa’t hindi umano natatakot ang mga smugglers dahil sa matinding laga­yan.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with