^

PSN Palaro

PVL magdaraos ng Rookie draft

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng National Bas­ketball Association (NBA), magkakaroon din ang Premier Volleyball Lea­gue (PVL) ng isang rookie draft na idaraos sa Hulyo.

Gagawin ang nasabing drafting sa pamamagitan ng lottery na mapapanood sa telebisyon at via strea­ming, ayon kay PVL Commissioner Sherwin Malonzo.

Ang pagsasagawa ng drafting ang pipigil sa kinaugaliang direktang paghugot ng mga koponan ng mga collegiate players.

Sa pagiging kam­peon ng katatapos lamang na 2024 PVL All-Filipino Confe­rence ay ang Creamline ang pinakahuling pipili ng rookie.

Ang kulelat na Strong Group Athletics ang maghihirang sa No. 1 overall pick kasunod ang Capital1 Solar Energy, Galeries Tower at Farm Fresh na tumapos sa 11th, 10th at ninth place, ayon sa pagkakasunod.

Ang Athletics, Solar Spikers, Highrisers at Fo­xies ang tanging kasali sa lottery habang ang fifth pick ay awtomatikong mapupunta sa No. 8 Nxled Chameleons.

Ang sixth pick ay mapapasakamay ng No. 7 Akari Chargers habang ang seventh at eighth picks ay ibibigay sa No. 6 Cignal HD Spikers at No. 5 PLDT High Speed Hitters, ayon sa pagkakasunod.

Ang huling apat na picks sa first round ay makukuha ng No. 4 Chery Tiggo Crossovers, No. 3 Petro Gazz Angels, No. 2 Choco Mucho Flying Titans at No. 1 Cool Smashers.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with