^

PSN Opinyon

‘Agawang bola!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

(Jai alai vs STL)

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

NUNG BIYERNES ay naisulat ko na may mga Cabinet Members umano na ang mga kamag-anak ay nakakuha ng prangkisa ng Small Town Lottery (STL).

Nung una inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang kanyang kapatid na may mga kasosyo ang naka-kopo ng malaking probinsya ng Bicol. Bandang huli binawi niya dahil matapos tanungin daw niya ang kanyang kapatid wala raw kinalaman ito.

Sa ligal na usapin ang unang bulalas na galing sa iyong bibig ay ang pinaniniwalaang malapit sa katotohanan subalit binawi ito at nilinaw. Maaaring bigyan ng interpretasyon na ito ay afterthought o napag-isipan lamang para mas maging katanggap-tanggap.

Hindi lamang sa publiko kundi sa mismong boss niya na si Presidente Rodrigo Duterte. Ang ating Pangulo ay ginagawa ang lahat para pagdating ng kanyang pagbaba masasabi niya na taas noo naging maayos ang mga taong inilagay niya sa pwesto.

Nangako si Atong Ang sa isang public hearing sa kongreso at naghamon pa na kahit saan kaya niyang patunayan ang kanyang sinasabi. Hindi kaya dahil kabisado na ang Meridien Vista Gaming Corporation sa Bicol kaya mas tinatangkilik ito kaysa sa STL?

Inuulit ko ako’y nagtataka kung bakit ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigasyon ang dapat gawin at matapos ito ay isampa sa korte at ihabla ang mga taong dapat managot.

Si Chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Jose Jorge Corpuz at General Manager Alexander Balutan sa tingin niyo ba bibigyan pansin ang aplikasyon ng grupong nakakuha sa Bicol kung totoo ngang hindi kasali ang kapatid ni Aguirre?

Daan-daan ang gustong makapasok pero piling-pili lamang ang napapagbigyan. Wala ring masama kung sila ang nakakuha at wala ring masama kung ang Meridien na hanggang ngayon ang pinanghahawakan ay ang injunction na inilbas ng 6th division ng Court of Appeals (CA).

Ano ba ang injunction? Ito ay naghihinto sa isang tao na simulan o ipagpatuloy na takutin o pang himasukan ang legal na karapatan ng isang indibidwal.

Kaya’t ano ang susunod ng alternatibo? Gumawa ng kwento na jueteng ang pinalalaro. Ang mga kubrador hindi naman nasusunod.

Ang paggamit ng uniporme ng STL marami diyang umiikot na may dalang mga tiket ng Meridien at STL. Bahala na ang tao kung anong gusto nilang tangkilikin.

May naaalala ba kayong panahon na natigil ang larong jueteng? Marami na ang sumubok at nabigo. Bkit? Bkit sa palagay niyo? Kasi mismo ang mga dapat magpatupad ng batas (hindi ko nilalahat) ay nasusuhulan.

Pinatitigil ng executive branch ng gobyerno ang palaro ng Meridien. May pinanghahawakan ang Meridien.

Ang ibig sabihin ba nito ay sinasakop ng executive branch ang trabaho ng judiciary? Di ba’t nakapaloob sa ating konstitusyon na merong tatlong sangay sa isang demokarasya na indipendente sa isa’t-isa. Ang executive, legislative at judicial.

Maraming kaso ang nakabinbin sa tanggapan ni Justice Secretary Aguirre. Dapat maglinis siya ng sarili niyang bahay para hindi nakakahiya sa taong naglagay sa kanya sa pwesto.

Tingin mo ano ang nangyari sa eskandalo ng lagayan sa Jack Lam case? Ang binabanggit ni Atong Ang na patutunayan niya na si Secretary Aguirre ang ninong ng anak ni Kim Wong na itinaggi na naman ulit ni Aguirre.

Ang tanging punang masasabi ko kay Atong Ang ay dinala niya agad sa media ang mga isyung gusto niyang maresolba sa lalong madaling panahon. Masisisi mo ba siya kung isang araw nasa sabungan siya sa Pangasinan may tumawag na mga kaibigan niya at sinabing umalis na siya kagad dun dahil siya’y ma-ambush at papatayin.

Anong ginawa niya? Mabilis pa sa lipad ng langaw nilisan niya ang sabungan. Ang laman naman ng kanyang panawagan sa media ay parati niyang binabanggit si Presidente Duterte na humihingi siya ng tulong dahil ang buhay niya at buhay ng kanyang pamilya ay nakalagay sa palad ng panganib.

“Hindi bale ako,” mariing sinabi ni Ang. “Ang iniisip ko ang aking pamilya na wala namang kinalaman dito ay nadadamay. Pati na rin ang kanilang pamilya,” kaya’t halos magtiklop tuhod na siyang humingi ng tulong kay Presidente Duterte.

Bakit ba tinatangkilik ng mga Pilippino ang iligal na sugal? Maaring dala ng kahirapan may tinatawag na ‘jackpot syndrome’ na baka sakaling swertehin at biglang yumaman.

Ang PCSO ay may iba’t-ibang uri ng laro subalit dahil sa mahal ng tiket hindi talaga kaya ng isang pang karaniwang mamamayan. Ginagawa daw front ang STL ng jueteng at hindi daw dinedeklara ang tamang kita dito kaya’t bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan.

Ang ipinagtataka ko ay bakit binigyan ng extension ang STL na hanggang Pebrero nung dating mga opisyales na nakaupo at pati na rin ng mga board members.

Natuloy pa din ang operasyon nito at nang umupo si Presidente Duterte ang nilagay niyang mga opisyales sa PCSO ay nag-usap usap at nagbigay ng mas mataas na quota na dapat intrega ng bawat pwesto depende sa dami ng tao at kapasidad na kumita ito

Sinabi ni Secretary Aguirre ang mga sinasabi ni Atong Ang na gusto siyang ipapatay ay isa lamang palabas at kathang isip at kung may mangyari nga sa kanya sila ang paghihinalaan na may kagagawan.

Delikado ang mga salitang ito dahil lahat ng may galit kay Atong Ang khit hindi konektado sa palaro ay maaring sakyan ito at ang sisi at sino ang unang magiging suspek ng taong bayan edi si Aguirre.

Payag kaya si Secretary Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon na harapin si Atong Ang sa anumang lugar at anumang oras?

ABANGAN sa MIYERKULES ang karugtong ng seryeng ito at papano nadawit si Esperon EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ERRATUM: Nung nakaraang Biyernes ay mali ang nailagay na titulo na ‘Jai alai vs SPL’ dapat ay ‘Jai alai vs STL’.

CABINET MEMBERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with