6 Salisi Gang, arestado
ANGELES CITY, Pampanga , Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng anim na miyembro ng Salisi Gang makaraang pagnakawan ang dalawang Koreanong turista sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga noong nakalipas ng linggo.
Kinilala ni Chief Insp. Joel C. Mariano, hepe ng Angeles City Police Station 5 ang mga suspek na sina Wilson Daman, 34, Blk 73, Lot 24, AMBS Subd. sa Dasmariñas City, Cavite; Edna Genon, 46, Sampaloc 3, Piella, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite; Evelyn Mendoza, 33, ng Lot 4, Barangay Pulang Lupa sa Las Piñas City; Jayson Avilla, 43, NIA Road, Golden City Subd, Brgy. Salawag, Dasmariñas City; Alma De Leon, 38; NIA Road, Golden City Subd; Joseph Feliciano, 44, Sitio Cabanatuan sa Valenzuela City.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Benjamin Laborera, modus ng mga suspek na magpapanggap na customer ng EG Golf Driving Range sa may restaurant.
Gayunman, kapag may mga Koreanong nakalingat ng kanilang gamit ay magkakasabwat na aatake tangay ang anumang gamit ng biktima sabay takas lulan ng Mitsubishi Adventure na may conduction sticker na NI1447.
Nasakote naman ang mga suspek makaraang rebisahin ang footage ng CCTV camera sa nasabing lugar.
Narekober naman ang clutch bag ng biktimang si Ji Shang Hun ang P3, 000 cash, IPhone 6, driver license at ilang personal identification cards.
- Latest