Phl Azkals-Nepal magsisipaan ngayon
MANILA, Philippines - Sisimulan ng Philippine Azkals ang kanilang kampanya sa AFC Asian Cup sa pagsagupa sa bisitang Nepal sa Group F ng nasabing 2019 Asian Cup Qualifiers ngayong gabi sa Rizal Memorial Stadium.
“It’s a huge tournament that we’re all excited about. We’d like to qualify for the Asian Cup for first time ever and we have a big opportunity tomorrow to take the first step,” ani Phl XI coach Thomas Dooley kahapon.
Magtatagpo ang Azkals at Nepal sa ganap na alas-8 ng gabi.
Sa third round ng qualifiers ay haharapin ng Azkals ang Nepal, Tajikistan at Yemen sa isang double round robin, home-and-away competition kung saan ang Top 2 teams ang aabante sa 2019 Asian Cup sa UAE.
Matatandaang nabigo ang mga Pinoy booters na mapagharian ang nabuwag nang AFC Challenge Cup matapos matalo sa Palestine, 0-1 noong 2014 Challenge Cup final.
Hawak ng Azkals ang three-game winning streak laban sa Nepal.
“Obviously our past results against Nepal give us confidence,” ani Phil Younghusband, sumipa ng tatlong goals sa tatlo nilang naipanalong friendlies kontra sa Nepal (4-0 noong 2011 at dalawang 3-0 noong 2014).
Hindi naman makakalaro para sa Azkals ang may injury na sina key players Misagh Bahadoran at midfielder Kevin Ingreso. (OL)
- Latest