Traysikel niratrat: Konsehala, 2 pa patay
BULACAN, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang isang konsehala sa barangay na akusado sa kasong swindling at estafa ang napaslang matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang lulan ng traysikel sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Luzviminda Roque, Konsehala sa Barangay Sta Rosa 1; Edgardo Santos, trike driver; at si Victoria Santos.
Sina Luzviminda at Edgardo ay dead-on-the-spot habang si Victoria naman na naisugod sa Sta Maria Hospital ay idineklarang patay.?
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Romeo Caramat Jr., naganap ang insidente sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Rosa 1 dakong alauna ng hapon.
Sa teorya ng mga awtoridad si Luzviminda ang tunay na target ng gunmen kung saan maraming naiharap na reklamo dito na may kinalaman sa swindling at estafa kaugnay ng pagbebenta ng mga pekeng titulo ng lupa sa bayan ng Marilao.
- Latest