Marami pang madidiskubreng young talents sa Batang Pinoy Mindanao Leg -- Garcia

MANILA, Philippines - Naniniwala si Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na marami pa silang madidiskubreng mga atleta sa probinsya sa pamamagitan ng Mindanao leg ng POC-PSC Batang Pinoy 2012 na nakatakda sa Nobyembre 7-10 sa Dapitan City.

“We have always believed that the best athletes are just waiting to be discovered not just in the big cities but more so in the countryside,” sabi ni Garcia. “And we rebooted the Batang Pinoy project in line with that belief.”

Kumpiyansa din si Dapitan City Mayor Patri Bajamunde-Chan na malaki ang maitutulong ng Min-danao leg sa pagtuklas ng mga bagong atleta.

“By sheer land mass, we can safely say that Mindanao will never fall short of talents that can reach international level given the right guidance and training,” sabi ng Alkalde.

Kabuuang 11 sports events ang nakataya sa fourth leg ng Batang Pinoy kung saan ang 10 dito ay magsisilbing qualifying event para sa Iloilo National finals sa Disyembre 5-8.

Maliban sa track and field at swimming na idaraos sa Jose Rizal Memorial State University Sports Complex, ang iba pang sports na nakahanay ay ang arnis, badminton, boxing, chess, lawn tennis, karatedo, taekwondo, table tennis at pencak silat na isang National finals event.

Sinabi naman ni PSC commissioner Jolly Gomez na may patlang sa Palarong Pambansa na para sa mga elementary at high school students at sa elite level o sa National pool.

Ang mga nakaraang qualifying legs ng Batang Pinoy ay idinaos sa Marikina City (National Capital Region leg), Lingayen, Pangasinan (Northern Luzon) at sa Calapan, Mindoro (Southern Luzon).

Kaugnay naman sa pagtulong sa pagdiskubre ng mga bagong talento, idinagdag ni Gomez na ang Batang Pinoy ang makakatulong sa mga National sports associa-tions para sa pagbuo ng koponan na kanilang ilalahok sa mga international competitions. (RC)

Show comments