Sa press conference sa huwebes Donaire-Arce fight ihahayag na ni Arum

MANILA, Philippines - Pormal na ihahayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa Huwebes ang championship fight nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Mexican Jorge Arce.

“We’re going to have a press conference on Thursday to announce the fight, which will be at the Toyota Center,” wika ni Arum sa panayam ng RingTV.com.

Itataya ni Donaire (30-1-0, 19 KOs) ang kanyang mga suot na IBF at WBO super bantamweight titles laban kay Arce  (60-6-2, 46 KOs) sa Disyembre 15 sa Toyota Center sa Houston, Texas.

Si Arce sana ang nakatapat ni Donaire noong Oktubre sa Home Depot Center sa California at hindi si Japanese superstar Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka kundi lamang ito umatras bunga ng mababang premyo.

Matapos talunin ni Donaire si Nishioka via ninth-round TKO, inihayag ni Arum na lalabanan ng Filipino boxing star si Arce sa Disyembre 15 sa Mexico City.

“It’s a big, big fight. Everybody wants to see Donaire face a gutty guy like Arce, who will bring the fight to him and who is not going to quit. It’s going to be a really entertaining fight, and I can’t wait to see it,” wika ni Arum sa naturang laban.

Nakamit ni Donaire ang WBO 122-pound belt via split decision win kontra kay Wifredo Vazquez Jr. noong Pebrero bago inagawan ng IBF crown si Jeffrey Mathebula noong Hulyo.

Katulad ng 29-anyos na si Donaire, nagkampeon din ang 33-anyos na si Arce (60-6-2, 46 KOs) sa flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions.

Show comments