MANILA, Philippines - Sisikaping ayusin ng three-man panel na ma-ngangasiwa sa POC elections ang listahan ng mga kuwalipikadong kandidato para sa Nov. 30 elections sa isang pagpupulong ngayon.
Asahang magkakaroon ng tensiyon sa meeting ng three-man panel na kinabibilangan nina dating congressman Victorico Chaves, Bro. Bernie Oca ng La Salle at Ricky Palou ng Ateneo. Dadalo rin si POC sec-gen Steve Hontiveros sa meeting.
Unang pag-uusapan ang kandidatura ni athle-tics chief Go Teng Kok na nagdesisyong hamunin ang kasalukuyang POC president at equestrian chief na si Jose ‘Peping’ Cojuangco na dati niyang kaalyado.
Matagal nang may isyu si Go at ang pamunuan ng POC na nagdeklara sa kanya bilang ‘persona non-grata’ sa isang general assembly mahigit isang taon na ang nakakaraan.
Ngunit hindi ito nakapigil sa athletics president na kumandidato matapos tumangging tumakbo si basketball chief Manny V. Pangilinan.
May iba pang kandidato na maaring ma-disqualify dahil sa technicalities para sa nalalapit na POC elections ngunit inaasahang magiging madali itong pagdesisyunan.
Ayon kay Palou, umaasa ang three-man panel na mailalabas nila ang final list ng mga kuwalipikadong kandidato ngayong linggo.
At dahil siguradong may kukuwestiyon sa kanilang ilalabas na listahan, tiniyak ni Palou na magiging metikuloso sila sa proseso.
“We will go through each candidate, one by one. We will look at this properly. Like Go Teng Kok who is persona non-grata to the POC,” sabi ni Palou. “But what does that really mean? Can he not run in the elections anymore? We will go through it as thorough as possible before we come up with a decision. (AC)