^

Sports

Sinu-sino ang mga kandidato sa Nov. 30 POC elections?

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sisikaping ayusin ng three-man panel na ma-ngangasiwa sa POC elections ang listahan ng mga kuwalipikadong kandidato para sa Nov. 30 elections sa isang pagpupulong ngayon.

Asahang magkakaroon ng tensiyon sa meeting ng three-man panel na kinabibilangan nina dating congressman Victorico Chaves, Bro. Bernie Oca ng La Salle at  Ricky Palou ng Ateneo. Dadalo rin si POC sec-gen Steve Hontiveros sa meeting.

Unang pag-uusapan ang kandidatura ni athle-tics chief Go Teng Kok  na nagdesisyong hamunin ang kasalukuyang POC president at equestrian chief na si Jose ‘Peping’ Cojuangco na dati niyang kaalyado.

Matagal nang may isyu si Go at ang pamunuan ng POC na nagdeklara sa kanya bilang ‘persona non-grata’ sa isang general assembly mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Ngunit hindi ito nakapigil sa athletics president na kumandidato matapos tumangging tumakbo si  basketball chief Manny V. Pangilinan.

May iba pang kandidato na maaring ma-disqualify dahil sa technicalities para sa nalalapit na POC elections ngunit inaasahang magiging madali itong pagdesisyunan.

Ayon kay Palou, umaasa ang three-man panel na mailalabas nila ang final list ng mga  kuwalipikadong kandidato ngayong linggo.

At dahil siguradong may kukuwestiyon sa kanilang ilalabas na listahan, tiniyak ni Palou na magiging metikuloso sila sa proseso.

“We will go through each candidate, one by one. We will look at this properly. Like Go Teng Kok who is persona non-grata to the POC,” sabi ni Palou. “But what does that really mean? Can he not run in the elections anymore? We will go through it as thorough as possible before we come up with a decision. (AC)

ASAHANG

BERNIE OCA

GO TENG KOK

LA SALLE

LIKE GO TENG KOK

MANNY V

PALOU

RICKY PALOU

STEVE HONTIVEROS

VICTORICO CHAVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with