Rain or shine sosyo sa 2nd
MANILA, Philippines - Tinambakan ng Rain or Shine ang Meralco, No. 1 offensive team sa conference, 106-81 kagabi sa Smart Araneta Coliseum para sumosyo uli sa ikalawang puwesto sa team standings ng 2012-13 PBA Philippine Cup.
Ang career second-best at game-high na 23 points ni Jireh Ibanes ang nanguna para sa Elasto Painters na tinapatan ang 5-2 panalo-talo ng Alaska, sa likod lamang ng bumabanderang 6-1 ng two-time defending champion Talk ‘N Text.
Sa unang laro, nakuha ni Sean Anthony ang bola pagkatapos ng ilang segundong agawang buko at bago natumba ay naipasa niya ang bola kay Ronald Tubid para sa game-winning lay-up, may 18.2 se-conds na lamang ang natitira sa laro para sa 95-94 ng Barako Bull sa Globalport.
Permanenteng inagaw ng Rain or Shine ang kalamangan sa pamamagitan ng 8-0 run bago natapos ang first quarter at pinalobo ng Elasto Painters ang kanilang bentahe na umabot sa 25 sa second period, 30 sa third quarter at 33 sa huling yugto, tungo sa pinakamalaking winning margin ng kahit sinong koponan sa buong conference.
Ito ang pinakamala-king panalo ng Rain or Shine mula nang tambakan nila ang Air21, 113-83 noong March 16 sa Commissioner’s Cup noong nakaraang season.
“Meralco is one of the hottest teams in the league right now. I’m really surprised that we beat them in the manner that we beat them today. I was looking for a tight endgame struggle,” ani Rain or Shine head coach Yeng Guiao.
Ang 20 at 14 puntos ni Mark Cardona at Sunday Salvacion off the bench ang nanguna para sa Bolts na nag-average ng confe-rence-best 97.7 points kada laro bago kagabi.
Nag-topscore sa kanyang 19 puntos si Tubid para sa Energy Cola na tinapos ang isang three-game losing streak at umangat sa 3-5 ang kanilang panalo-talo.
Tatlong iba pang players ng Barako Bull ang nagtapos ng may double figures sa scoring sa pa-ngunguna ng 18 points at 11 rebounds ni Rico Villanueva.
- Latest
- Trending