^

PSN Showbiz

Andrea, umaming hinog na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Andrea, umaming hinog na!
Andrea Brillantes

‘A little red, a little ripe, a little rebellious’

Medyo pula, medyo hinog, medyo suwail.

Ganito ang caption ni Andrea Brillantes sa isa sa kanyang series of posting na may nakasubong bubble gum and cherry.

Sexy nga naman kung saan nauna na niyang inamin sa isang interview na opisyal na pagpasok niya sa “dating era.” Kamakailan ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 22nd birthday na in a way ay kinumpirma niya na sila ni Sam Fernandez ay nagde-date na.

Sa kanyang isa sa mga post, ibinahagi ni Andrea ang isang carousel birthday photos, na mabilis napansin ng kanyang followers kung saan kabilang sa snaps niya ang nasabing former athlete na nagpa-excite sa kanyang fans.

Anyway, kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo, kung saan nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipag­halikan sa karakter ni Jake Cuenca.

Singtindi ng aksyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa isang palaban na karakter, na aniya’y malayung-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.

“Mas daring siya compared sa iba kong mga role. Mas level-up siya and mature. Personal decision ko na gawin ‘to. This is my first time doing something na physically intimate. This is a new path for me and alam ko naman na aalagaan ako dito sa Batang Quiapo,” sabi ng aktres sa isang TV Patrol interview kamakailan.

ANDREA BRILLANTES

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with