Tampok ang kwento ng pagsubok at tagumpay ng BINI, nominado sa New York Festivals

Pasok sa prestihiyosong 2025 New York Festivals TV and Film Awards ang dokumentaryo ng ABS-CBN tungkol sa nation’s girl group na BINI sa kategoryang Best Documentary in Biography and Profiles.
Sa pangunguna ng iWant Orginals at ABS-CBN News Documentaries, tampok sa BINI Chapter 1: Born to Win ang mga hamong kinaharap nina BINI Jhoanna, Maloi, Gwen, Mikha, Aiah, Colet, Sheena, at Stacey, mula auditions hanggang sa pag-angat nila bilang isang Pinoy pop sensation na tinatangkilik sa loob at labas ng bansa.
Nakikipagsabayan ang kauna-unahang full-length documentary ng ABS-CBN News sa piling world-class TV at film entries mula sa mahigit 50 bansa sa buong mundo.
Ang BINI dokyu ay kauna-unahang full-length documentary ng ABS-CBN News sa loob ng apat na taon sa direksyon ng filmmaker na Jet Leyco, isinulat ni ABS-CBN chief of reporters Jeff Canoy, in-edit ni Brian Gonzales, at iprinodyus nina Karen Namora, Hera Sanchez, at Tanya Navarro.
Pararangalan ang mga mananalo sa New York Festivals sa darating na May 22.
Una nang nasungkit noon ng ABS-CBN News ang ilang parangal sa New York Festivals TV & Film Awards gaya ng Bronze World Medal for Best Public Affairs program ng KBYN: Kaagapay ng Bayan, Bronze World Medal for Best Documentary ng #NoFilter: Tao Po, at Gold World Medal para sa dokyu tungkol sa Marawi na ‘Di Ka Pasisiil.
Maaari pang panoorin at alamin ang kwento ng nation’s girl group BINI sa iWantTFC na mapapanood din sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.?
- Latest