GF ni Hajji Alejandro ng 27 years, nagsalita sa totoong kalagayan ng singer

Finally, kinumpirma na ni Alynna Velasquez ang partner ng original Kilabot ng Kolehiyala na si Hajji Alejandro, na kasalukuyan itong nakikipaglaban ito sa sakit na colon cancer, stage 4.
Kumalat kamakailan na nangangailangan nga ito ng tulong dahil nasa ICU pero sinabi ni Ms. Alynna na fake news pa ‘yun.
Pero sa interview ni Julius Babao ay sinabi nitong nagpapagaling na si Hajji at wala na raw ito sa hospital sa kasalukuyan, kung saan nagbigay ng detalye si Alynna kung paano rin nadiskubre ang sakit nito.
Nasa concert daw ito ng grupo nilang Hitmakers nang bigla na lang daw itong nag-bloat at hindi makahinga’t makakain. “He’s just been very strong. You know, bigla lang talaga, eh. Naggo-golf siya, he does everything, he walks, ako nga ‘yung tamad, eh. Healthy eating naman siya and all of a sudden, you know, that happened,” pagbabahagi ng GF ni Hajji of 27 years.
Nagpaopera umano ito at okay naman daw after the operation pero pero pagkatapos ng tatlong araw ay nagkaroon ito ng infection kaya’t kinailangang ipasok sa ICU. “After a week, tinanggal na ‘yung respirator niya. And then, he began to talk. And it was my birthday when I prayed, sabi ko, ‘Lord, sana, sa birthday ko, nasa regular room na siya.’
“And my prayer was answered. Nasa room na siya. Ngayon nagte-therapy siya nu’ng mga sumunod na araw. And today, he’s home,” ang sabi ni Alynna.
“And meron lang siyang water, kasi nag-aaral ulit siyang galawin. Kasi, nawalan na siya ng muscles, eh. Talagang wala. He’s incapacitated at one time,” pagbabahagi pa niya.
“Pero ang ganda ng memory niya pa rin. Kwento pa rin siya nang kwento about things that we don’t remember anymore,” dagdag niya pa.
Sabi pa ni Alynna, mas gumuwapo pa raw si Hajji ngayong medyo pumayat na.
Pero sinabi nitong hiwalay sila ngayon dahil complicated ang sitwasyon dahil sa pamilya nito.
At nang hingan siya ng mensahe para kay Hajji: “Love, if you’re watching this, pareho tayong nagugulat sa mga nangyayari like ‘yung what you’re going through right now. I just want you to know that I am with you. All the pain that you feel, I feel it 200 times.”
At inamin din sa nasabing interview ni Alynna na isa ring dating singer na sinisisi siya ng pamilya ng karelasyon.
Aniya, gusto ng pamilya na maging pribado ang lahat at iginagalang niya aniya ito pero nu’n daw naging kritikal si Hajji, kailangan na niyang sabihin sa isang tao.
At ang kaibigan aniya ni Hajji ay tila ibinahagi ang kalagayan ng mang-aawit sa group chat na naging viral.
Sabi pa niya, sa kabila ng pagtanggap ng “sisi” mula sa pamilya ni Hajji, binigyang-diin niya ang kanyang pasasalamat dahil maraming tao ang nag-alay ng panalangin para sa OPM singer na pinaniniwalaan niyang nakakatulong sa kanyang paggaling.
“Nagko-conflict kami sa opinyon ng isa’t isa… I apologize for whatever I said pero nasaktan lang ako, and I feel like Hajji has been my partner for 27 years, I think that kilalang-kilala ko na kasi siya,” pero ‘di na siya nagkuwento ng detalye ng nasabing conflict nila.
- Latest