^

PSN Showbiz

‘Wish ko na magtagal sina Kim at Paulo’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
�Wish ko na magtagal sina Kim at Paulo�
Kim Chiu at Paulo Avelino

Kaloka, mag-jowa na pala talaga sila Paulo Avelino at Kim Chiu.

Kaya wish ko sa kanila, kumita ang kanilang pelikula na My Love Will Make You Disapper.

Nakaka-tense dahil sa totoo lang, walang pelikulang Tagalog na kumikita lately. Lahat masasabi nating semplang sa takilya.

Parang nakakakilig naman sila kaya talagang wish na kumita ang kanilang pelikula at magtagal ang kanilang relasyon.

Para sa akin ay napakabait ni Kim kahit hindi naman kami magkakilala ng personal at wala akong natanggap sa regalo sa kanya noong Pasko.

Hahaha.

Pero bet ko na very positive ang vibes ng personality niya, parang hindi ka malulungkot at walang masamang tinapay sa kanyang ugali.

Kaya ang wish ko talaga sa kanya ay maging masaya for the rest of her life at seryosohin ni Paulo.

Hahahaha.

Kris, nakakaawa na!

Sa totoo lang, na-sad ako para kay Kris Aquino na sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagkakaroon siya ng kontrobersiya sa lovelife.

Nagsalita nga ang anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris at ipinagtanggol ang amang si Dr. Mike Padlan tungkol sa kanyang naging rebelasyon.

Ang sakit basahin ng nasabing pahayag ng anak ni Dr. Padlan na si Miguel Lorenzo.

Aniya, nakapanghihinayang makita kung paano binabaluktot ng ilang tao ang katotohanan at gumagawa ng walang basehang mga salaysay na nagdudulot lamang ng hindi kinakaila­ngang drama.

‘Di ba, ang sakit ng ganun.

Para sa akin talaga, hindi na dapat mag-lovelife si Kris.

Tama na ang tatlong beses na pakikipag-relasyon habang nagpapagaling siya sa kanyang karamdaman.

Pagtuuan niyang mabuti ang kanyang sakit upang gumaling alang-alang sa kanyang dalawang lalaking anak na sina Joshua at Bimby.

Alam kong walang masamang intention si Kris sa kanyang naging post, baka naging emosyonal lang siya.

Andito lang kami Kris para sa ‘yo ha.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with