^

PSN Showbiz

Gabbi at Julie, nagsalita sa grabeng suporta kina Khalil at Rayver

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gabbi at Julie, nagsalita sa grabeng suporta kina Khalil at Rayver
Gabbi Garcia at Julie Anne San Jose

Mga supportive girlfriend itong sina Julie Anne San Jose at Gabbi Garcia sa kanilang boyfriend na namamayagpag din ngayon ang career.

Natawa si Julie Anne nang tinanong ko sa nakaraang media conference ng bagong murder-drama series nilang Slay tungkol sa pagiging vocal coach daw niya kay Rayver Cruz.

Sinabi kasi ni Rayver sa nakaraang mediacon din ng  pelikula niyang Sinagtala na malaki ang impluwensya ni Julie Anne sa kanyang singing career.

Pamilya ng mga singer si Rayver, pero malaki raw talaga ang tulong ng girlfriend kaya naitawid niya ang pagkanta niya sa pelikulang ito, at pati rin sa pagiging singer niya.  “Naka-inspire sa akin si Julie na mahalin yung music lalo kasi nga alam naman ng lahat na pag sinabing mong si Rayver, mananayaw. Pero especially yung talagang minahal ko nang todo-todo si Julie, minahal ko na rin ‘yung music.

“Masuwerte nga ako e, kasi palagi akong may voice coach, libre pa. And nakatulong sa akin magbigay ng kumpiyansa, everytime na especially na pag kasama ko siya. Iyun ang wala sa akin, ‘yung kumpiyansa. Siya ang isa sa nagpu-push sa akin na kumanta ka nang kumanta kasi sayang nga, marunong ka at nandun yung boses,” saad pa ni Rayver.

Sabi ni Julie Anne, magaling naman talagang singer si Rayver, kaya gusto rin daw niyang karerin din ng nobyo ang pagkanta.

Kaya nga sa premiere night ng Sinagtala kagabi ay nandun si Julie Anne para suportahan ito. “Everytime na may gagawin siyang movie, talagang sine-share niya sa akin. Sobrang hands on siya. Sobrang perfectionist kasi talaga ni Ray. Naniniwala kasi ako na nananalaytay talaga sa dugo niya ang isang pagiging musikero, as a Cruz. Bilang family of musicians, family of singers talaga sila.

“So, I guess ahhm talagang kailangan niyang i-ignite ulit ‘yun. I’m very very happy that I am be able to share those things with  him. And sobrang nakaka-proud talaga siya. Sobrang proud na proud ako sa kanya kasi parang everyday pagaling talaga siya nang pagaling,” saad ni Julie Anne.

Si Gabbi Garcia naman ay nakatsikahan ko rin sa Slay mediacon na tuwang-tuwa at proud na proud sa nobyong si Khalil Ramos.

Nung nag-usap kami ay hindi pa na-announce na si Khalil ang nanalong Best Actor sa katatapos lang na CinePanalo ng Puregold.

Bida si Khalil sa pelikulang Olsen’s Day, at tuwang-tuwa si Gabbi dahil naisingit pa raw niya sa schedule niya na mapanood ito, pati ang stageplay na Liwanag sa Dilim. “I’m so proud of him. Kahit no biased ha? Kahit hindi ko siya dyowa, whenever I watched him perform sa theater man yan o sa pelikula, lalo na itong Liwanag sa Dilim at yung Olsen’s Day, ang galing galing talaga!

“As in, I looked up to him as an actor. Ahhm no biased, magaling talaga siya, ang galing galing niya,” dagdag niyang pahayag.

Bilib daw siya kung paano pinag-aralan ni Khalil ang project na ipinagkatiwala sa kanya.

“He makes it his own…for example yung sa Liwanag sa Dilim, okay ito ‘yung points ng director, talagang nakikipag-collaborate siya na eto ‘yung feeling ko na puwede pang gawin, puwede pang palawakin ‘yung character, kaya kung ano ‘yung nakikita n’yo sa screen or on stage, produkto yun ng many many adjustment, many many tweeks, a lot of process to be able to land on that performance.

“Kapag nakikita ko siya, iba talaga yung takbo ng utak niya when it comes to his craft,” sabi pa ni Gabbi.

Isa si Gabbi sa bida sa seryeng Slay na magsisimula na sa Lunes, March 24 pagkatapos ng Batang Riles.

Hindi pa raw napapanood ni Khalil sa streaming nito sa VIU, pero pagdating naman daw sa kanilang trabaho, hindi raw nila pinapakialaman ang isa’t-isa. Pero nandiyan ang suportahan.

Mariz, trending pa rin

Hanggang kahapon ay trending pa rin si Mariz Umali sa X dahil lang sa kumalat na video ng isang vlogger na tinawag daw ng GMA news journalist na “matanda” ang da­ting Executive Secretary Salvador Medialdea.

Kuha iyun nung ilabas ng detention cell si Medialdea na naka-stretcher at isinakay sa ambulansya.

Binash si Mariz dahil sa tila wala raw paggalang na kung maka-matanda naman ito.

Kaagad na nilinaw iyun ni Mariz sa kanyang X account na sinabi niyang na-misheard lang siya. Pero hindi raw siya nagsabing “matanda”.

Bahagi ng post ni Mariz; “A certain vlogger has circulated a post containing my voice, claiming that I referred to Former Executive Secretary Medialdea as ‘matanda’ while he was on a stretcher. This interpretation is inaccurate. What I actually said was, ‘Tingnan mo yung mata niya (Medialdea), nakabukas siya nung una pero nung nakita niya ako, pinikit’.”

Nakakapagtaka na ginawang malaking isyu itong kay Mariz na maayos naman ang pagtatanong niya kung ano ang nangyari sa dating Executive Secretary.

Pero kahapon ay mas marami na ang kumakampi kay Mariz Umali, at binuweltahan nila ang mga maka-DDS na tingnan daw muna nila ang mga lumalabas sa bibig ng dating Pangulong Duterte nung nasa puwesto pa ito.

 

GABBI GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->