^

PSN Showbiz

Pa-lamay ni RS, Pa-destiny ni Ara

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

‘Di ko makakalimutan ang aktor at negosyanteng si RS Francisco. (wala naman kaming past!) Nung i-cremate ang namayapang kaibigan naming si Direk Francis Pasion, 9 years ago, si RS ang nag-volunteer na bumili ng pwesto sa Sto. Domingo Church Columbarium para sa urn ni Direk.

Isa si RS sa mga naging artista ni Pasion (‘yan ang tawag ko sa kanya) sa huli nitong Cinemalaya entry na Bwaya (na best pic-ture!)

Paminsan minsan ay nakikita ko si RS sa mga sosyalan. (bilang feeling sowsyal ako!) pero nitong weekend, naimbitahan ako sa media conference ng kumpanya niyang Frontrow.

Naloka lang ako kasi pagdating ko, may burol! (akala ko kung sino ang na-deds!) ‘Yun pala ang konsepto ng event, bilang ‘yung sikat nilang Luxxe White ay inalis na nila sa market at ginawang Luxxe White Ultima. (so level up ang branding!) Todo acting ang lahat sa burol event lalo na si RS na may crying scene at eulogy pa.  (akala mo talaga may taong namaalam!) First time kong umattend ng ganitong tema para sa isang mediacon. (afraid!) Mixed reactions mula sa mga nakasaksi, may mga naaliw, may mga medyo ‘di natuwa lalo sa mga taong wala sa venue at napanood lamang sa social media. (wala raw basagan ng trip!)

Ipinakilala rin sa burol, I mean dun sa event, sina Rhian Ramos at Michelle Dee bilang bago nilang endorsers. (with matching Boy Abunda as Eulogy host at Ice Seguera as Lamay Singer!)

“I told Sam (Versoza), kung ilo-launch natin ‘yan, the campaign must be out of this world.  We can go generic just like what other companies do. We can do a silhouette then may coming soon, 3 more days. And then we reveal with a cloth, then charan! We can go as generic as that but what I like about my partner, he gives in to all my whims. In other words, in tagalog, ang kaloka-lokahan ko.” Pagpapaliwanag ni RS (baliw baliwan school of acting!)

Isa rin sa ‘di ko mafo-forget ang aktres at ngayong tumatakbong konsehal ng Pasig na si Ara Mina. (lalong waley kaming past!) Isa kasi sya sa mga artistang ‘di nagdalawang isip na bumili ng artwork ko. (certified FU art collector si ate mo!)

Kamakailan ay naisipan niyang mag-imbita ng mga kaibigang showbiz reporters para sa isang tsikahan sa tanghalian. (bilang darling of the press naman sya!) Ininvite din nya ang tumatakbong Pasig mayor na si Sara Discaya na kanyang kaalyado para makilala namin. (pero ‘di pa kami close ha!)

“Para sa’kin isa siyang kapatid, isa siyang kaibigan, isa siyang kapamilya, isa talaga siyang ate.

Tinatawag ko talaga siyang ate kasi wala akong ate. Ako ‘yung eldest. So ngayon, meron na akong matatawag na ate, “paglalahad ni Ara. (pwede mo rin akong ate!)

Hindi biro ang ilang dekada ni Ara sa showbiz, kaya ‘di nya ito basta-basta na lang tatalikuran. Pero may puso sya sa pagtulong. (at least hindi lang saging ang may puso!)

“Alam mo ‘yung destiny? Pag destiny mo, walang makakapigil sa’yo. Ako kasi bawat galaw ko, I ask for a sign and ‘yung sign, si Ate Sara ‘yung dumating, kasi ‘di ako basta- basta nagdedesisyon. Alam naman natin sa showbiz industry, magulo na rin.

Pero nasanay na tayo. At kahit magulo, at the end of the day, pamilya tayo. So, ganun din sa public service.

Iba rin ‘yung sayang nadudulot at nararamdaman mo ‘pag nakakatulong ka,” pagbabahagi ni Ara. (Ipakilala mo ko dyan kay destiny!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

RS FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->