Lola ni Carla na si Delia Razon, namatay sa edad na 94

Pumanaw na ang batikang aktres na si Delia Razon sa edad na 94 noong Sabado.
Mismong ang apo niyang si Carla Abellana ang nag-post ng tungkol dito. “Celebrating the life of Lucy May G. Reyes ‘Delia Razon’ (August 8, 1930 – March 15, 2025).”
Ang ina ni Carla na si Rea ay anak nina Delia at Aurelio Reyes.
Walang ibinigay na ibang detalye ang Kapuso actress sa pagpanaw ng kanyang lola.
Ipinanganak si Lucy May Grytz sa isang German na ama at isang Spanish Filipina na ina, si Delia Razon ay itinuturing na isang haligi ng Philippine entertainment industry.
Noong 1949 ay ginawa niya ang unang pelikula niya na Krus na Bituin ng LVN Pictures. Natuklasan ng film producer na si Narcisa “Doña Sisang” de Leon, founder ng LVN Pictures, ang kanyang talento at binigyan siya ng screen name na Delia Razon. Mas nakilala siya nung nagtambal sila ni Rogelio dela Rosa.
- Latest