^

PSN Showbiz

Kim, ayaw ng paulit-ulit

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, ayaw ng paulit-ulit
Kim Chiu
STAR/File

Mapapanood na sa mga sinehan simula sa March 26 ang pelikulang My Love Will Make You Disappear na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ginampanan ng aktres ang karakter ni Sari sa bagong proyekto mula sa Star Cinema. “Si Sari dito 30s na siya. Hindi naman na siya teenybopper or 20s. Conservative siya kasi wala na siyang choice NBSB (no boyfriend since birth) siya kasi lahat nang minamahal niya, nawawala. ‘Yung parang gusto niya lang mahalin pero nawala na sila. Kaya curious talaga siya about everything, about love, ganyan. So pinasok ko ‘yung sarili ko kay Sari,” pagdedetalye ni Kim.

Ginampanan naman ni Paulo ang karak­ter ni Jolo sa naturang pelikula. Mayroong maseselan na eksenang ginawa sina Kim at Paulo sa naturang proyekto. Matatandaang nagkaroon na rin ng intimate scenes ang tambalang KimPau sa seryeng Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim? “Sabi niya, ‘Halika para one take lang. Baka ‘pag inulit, alam mo na!’ Mas maganda one take lang kasi this is such a very important matter. Kasi baka ‘pag paulit-ulit, kami na,” natatawang kwento ng dalaga.

Samantala, kahit abala sa kabi-kabilang proyekto ay sinisikap ni Kim na makapag-workout araw-araw. “Nagwo-workout ako para makapag-destress,” giit ng aktres.

Julia, ayaw magbakasyon sa Semana Santa

Maraming mga nagbabakasyon kung saan-saang lugar tuwing Mahal na Araw. Sa nalalapit na Semana Santa ay mananatili lamang daw sa bahay si Julia Montes. “More of sa bahay lang kami. It’s more of reflection, bonding na rin sa bahay kasi minsan ‘yon lang ‘yung opportunity namin na talagang walang work. Talagang makakapagbawi kami sa bawat isa sa family namin,” pagbabahagi ni Julia.

Bilang isang Katoliko ay mayroong isinasakripisyo ang aktres tuwing Mahal na Araw. Hanggang maaari ay iiwasan muna ni Julia ang ilang mga pagkain. “‘Yung fas­ting parang magkasala ako agad. Ang tina-try ko kasi na nahihirapan din talaga ako ay to remove sugar and rice. Tapos ta-try ko rin walang meats. Hopefully magawa ko talaga kasi I really want to do it. Just to say thank you with every blessing na pumapasok,” paliwanag niya.

Posibleng makabisita sa ilang mga simbahan si Julia na kasama ang pamilya ngayong Semana Santa. Hindi pa masiguro ng aktres kung matutuloy ito dahil na rin sa kondisyon ng lola. “Gusto na­ming mag-Visita Iglesia pero hopefully mabuo namin. Kasi siyempre si lola medyo nahihirapan na rin. So kino-consider din namin ‘yon. And nawo-worry kami this time nga kung kami naman matutuloy tapos siya maiiwan. So hindi pa namin napa-finalize kung ano mga dapat gawin. Pero normally, we do mass. So kung saan na lang kami magkakaroon ng opportunity,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->