^

PSN Showbiz

Anak ni Ellen na si Elias, naghanap ng kanyang bank account

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Anak ni Ellen na si Elias, naghanap ng kanyang bank account
Elias
STAR/ File

Nakakaloka naman ang mag-inang Ellen Adarna at anak na si Elias na nag-uusap agad tungkol sa bank account.

Nakakatawa na dinala raw si Elias ng isang babae na ‘di binanggit kung kaanu-ano niya sa mall para pumunta sa Kidzoona pero wala raw kasing cash ang kasama nito para sa parking kaya base sa usapan nila, tila humingi ito ng cash sa guwardiya ng mall para maipambayad sa parking.

Nag-emote raw ang anak ni John Lloyd Cruz kay Ellen na sobrang poor na raw nila dahil wala na silang pambayad sa parking.

Napatanong daw ito kay Ellen kung may bank account siya na sinagot naman ng misis ni Derek Ramsay na meron daw siyang iniipon para sa school at future ng anak.

Sey ng bagets ay wala na raw kasi silang pera para sa parking at tinanong pa kung magkano na ang laman ng bank account niya.

Bongga ang sagot ni Ellen na sapat daw para maka-survive siya at mamuhay nang simple.

At sey nga nito sa mommy niya ay magtrabaho raw ito para makapunta siya sa Kidzoona at makakain ng masarap at makapagbayad sa parking.

Kaya paalala raw sa kanya ni Ellen ay mag-enjoy muna para paglaki niya ay magtrabaho siya para sa parking money pero ayaw na raw nitong lumaki.

Ang talino ni Elias ha. Alam na niya ang tungkol sa bank account.

Pero nakakaloka ang emote niya na wala na silang pera para sa parking na pinoproblema talaga niya.

Kung alam niya lang gaano karami ang pera nila noh.

Mga furbaby, kakaiba magmahal!

Medyo masama ang gising ko kahapon. Para nga akong nagkaroon ng nightmare dahil nanaginip ako na nagkasakit ‘yung mga natitira ko pang dogs.

Kokonti na lang ang doggies ko dahil ayoko nang mag-alaga dahil nga feeling ko magiging unfair ako sa mga maiiwan kong pets ‘pag may nangyari sa akin. Feeling ko nga unfair ako sa mga anak ko dahil mas concern pa ako sa mga alaga kong dogs kesa sa kanila.

Paano nga, parang babies ang doggies mo. Sa iyo sila umaasa, sa iyo sila nakasandal.

I remember paying Animal House a check of P120K para sa grooming at vaccinations nila. Expensive but worth it dahil iba ang pagmamahal na binibigay nila sa iyo, ang happiness na nadarama mo.

Kaya parang traumatic sa akin na maisip na may mangyari sa dogs ko. Maisip ko lang na iiwan ako ni Jokjok para na akong naloloka.

‘Kaloka.

ELLEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with