Kapuso star Shayne, ‘di makalimutan si Cherie Gil

Nakatrabaho noon ni Shayne Sava si Cherie Gil sa seryeng Legal Wives. Matatandaang isa rin ang namayapang aktres sa naging Hurado sa StarStruck Season 7 kung saan naging contestant si Shayne.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng dalaga noong mga panahon na nakatrabaho ang beteranang aktres. “Hinding-hindi ko po makakalimutan si Ms. Cherie. Kasi isa siya sa mga nag-hone sa akin as an actress. I remember, Tito Boy, sa Legal Wives kung saan po kami nagkasama, lagi niya po akong binibigyan ng advice. Kasi si Ms. Cherie parang kapag nakita n’yo po siya parang matatakot ka. Pero once you know her, sobrang bait niya po talaga,” nakangiting pahayag sa amin ni Shayne sa Fast Talk with Boy Abunda.
Pagdating sa trabaho ay talagang tumatak sa isipan ng Kapuso actress ang mga itinuro ni Cherie. “Lagi mo dapat i-support ‘yung mga kaeksena mo. So tumatak po talaga ‘yon sa isip ko, Tito Boy. Tapos lagi niya akong sinasabihan na dapat marunong kang makisama,” kwento ng dalaga.
Simula ngayong araw ay mapapanood na sa GMA Network ang Mommy Dearest na pinagbibidahan nina Camille Prats, Katrina Halili at Shayne. Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang aktres na nakapagbibida na sa mga serye. “Parang hindi pa rin po ako makapaniwala. Parang ‘Wow! Ang layo mo na!’ ‘Yung sinasabi nila na ‘Malayo na, pero malayo pa.’ Kasi ang layo na nang narating ko pero marami pa akong kailangang pagdaanan. Every time na sinasabi nila ‘yon sa akin, sobra akong natutuwa,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
Mavy, gustong bitbitin ang jowa sa PBB
Makakabilang na si Mavy Legaspi sa magiging host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na mapapanood na simula March 9. Nauna nang nakumpirma si Gabbi Garcia na isa sa mga Kapuso star na bahagi ng naturang reality show. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Mavy nang unang mabalitaan ang tungkol dito. “Siyempre just to be a part ng pinakasikat na bahay sa bansa, siyempre ang bahay ni Kuya. I’ve been watching since I was a kid. And now to be one of the hosts, I’m very excited na. It was such a surreal feeling. Kasi I’ve always dreamt of it. Saka siyempre there are a lot of fans of Pinoy Big Brother and I was also one of them. And just to see myself being one of the hosts, it’s really an honor and I’m really excited,” paglalahad ni Mavy.
Nagbigay ng reaksyon ang binata tungkol sa posibilidad na magiging housemate sa bagong season ng PBB ang kasintahang si Ashley Ortega. “Kakayanin siyempre. Makakatulong din naman ‘yon sa kanya if ever. And I’m sure she’s gonna enjoy it,” giit ng Kapuso actor.
Maging ang kakambal na si Cassy Legaspi ay posibleng kayanin din ang pagiging Housemate ni Kuya. “Pero feeling ko kayang-kaya naman ni Cassy sa bahay ni Kuya. Feel ko lang mami-miss niya ‘yung outside world,” pagtatapos ng binata. (Reports from JCC)
- Latest