Jojo Mendrez, nagsalita sa ‘relasyon’ kay Mark Herras

Ayaw mag-komento ng businessman singer na si Jojo Mendrez sa kumalat na video nila ni Mark Herras na nasa isang hotel casino.
Nasa isang sulok sila at may nakita pang umakyat si Mark sa hotel room.
Pero tumanggi si Jojo na pag-usapan ito sa ginanap na launching ng kanyang newest song the other night pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Star Music.
“No comment. Pasensya na. ‘Yan nga ‘yung pinagdadaanan ko ngayon eh. ‘Yung video na lumabas na ‘yan, napaka-malicious. Kaya nga sabi ng management huwag ko na sagutin, kasi kahit sabihin ko na hindi, sasabihin ng tao ay oo. Kung sasabihin ko naman ay oo, sasabihin naman ng tao ay hindi. So saan ako lalagay?,” umpisa ni Jojo.
“Kasi nga ang tao madaling mag-judge kung ano ang nakita nila ‘yun na ‘yun. I cannot explain to everyone na ito ‘yung totoo. Siguro kung makita niyo siya (Mark), pwede niyo siyang tanungin,” dagdag niya.
Aminado rin ang Revival King na ang laki ng epekto nito sa kanya at sa kanilang pamilya lalo na nga at ang dami niyang natanggap na kung anu-anong komento.
Ever since raw na lumabas ito, everytime na magbubukas siya ng social media platforms ang kanilang controversial video ni Mark ang nagpa-pop up.
Pero sa kalagitnaan ng presscon nung kinanta ni Jojo ang latest song niyang Nandito Lang Ako, biglang sumulpot si Mark, may dalang bulaklak.
Na ikinagulat ng mga invited press. Wala siyang siyang sinabi basta nag-abot lang ng bulaklak.
Pero pagkatapos ng nasabing kanta ay biglang sumakit ang ulo ni Jojo at hindi na nakabalik para sa interview.
Nauna nang sumikat ang revival song niyang Somewhere in May Past na original song ng namayapang si Julie Vega.
Sa kasalukuyan ay meron nang 45 million views ang music video ng Somewhere In My Past kaya naman hawak niya ang pagiging Revival King.
But anyway, totoo ba na magkasama naman talaga sina Jojo at Mark na dumating sa venue ng presscon?
Hindi lang daw agad lumabas ng kotse si Mark,
Uy ano kaya ito, meron ba talaga? Hahaha.
- Latest