^

PSN Showbiz

Albie, humahalakhak sa nangyari kay Andi?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Albie, humahalakhak sa nangyari kay Andi?!
Albie Casiño ata girlfriend

Ang aktor na si Albie Casiño ang isa sa naalala ng mga netizen sa nangyayaring kontrobersiya ngayon kina Andi Eigenmann at sa partner nitong si Philmar Alipayo.

Nag-comment ang follower ni Albie sa litrato nila ng kasaluku­yang karelasyon at mga kinain nila sa resto habang nasa date night sila. Sinabi nitong “dodged a bullet with andi that’s for sure” na sinagot ng aktor ng tatlong magkakasunod na face with tears of joy emoji.

Wala na siyang ibang sinabi kundi emoji lang. Mukhang galit pa rin daw ito sa ginawa sa kanya ng ex na si Andi.

Hindi pa rin nga nakakalimutan ng mga tagahanga niya kung paano nasira ang binubuo niyang showbiz career nang sabihin ng aktres na siya ang ama ng anak niyang si Ellie noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Nabugbog din noon si Albie ng mga kaibigan diumano ni Andi na mariin namang tinanggi ng kampo ng inactive actress.

Kaya naman mas nakakakuha ng simpatiya ngayon si Albie at hindi raw masisisi ito kung hanggang ngayon ay galit pa ito sa anak ng pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.
Kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi ngayon kay Andi at sinabing kay Albie ang huling halakhak at sinabi pa ng mga marites na deserved daw iyon ni Andi at karma lang daw niya iyon.

Vindicated na naman daw si Albie.

Hanggang ngayon kasi ay nanghihinayang pa rin ang fans niya sa kinahinatnan ng showbiz career niya. ‘Kaloka.

Ayon kasi sa aktor ay hindi pa raw humihingi ng tawad sa kanya si Andi.

Samantala, mukhang masaya naman na si Albie ngayon sa piling ng nanay ng anak niya at baby boy nila na panay ang post niya sa mga ito.

ALBIE CASIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with