^

PSN Showbiz

Marvin, nagpaliwanag kung ba’t absent sa kasal ni Jolens

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marvin, nagpaliwanag kung ba�t absent sa kasal ni Jolens
Marvin Agustin

Taong 2011 nang magpakasal sina Jolina Magdangal at Mark Escueta. Marami ang nakapansin sa hindi pagdalo ni Marvin Agustin sa espesyal na araw ng kanyang katambal. “Nagtampo si Jolina nang major no’n kasi di ko naman masabi sa kanya because wala namang chance. I actually chose not to really go to her wedding, it was really my decision not to go, even in-invite talaga ako ni Jolina. I wanted to respect ‘yung cere­mony kasi ‘yung clamor no’n ng mga tao na kami magkatuluyan, ‘Sana kayo, sana kayo.’ Wedding ‘yon ni Mark at saka ni Jolina. Baka pagpunta ko do’n ma-teary eyed ako. Eh sobrang saya ako para sa kanila baka isipin nila ang lungkot ko maging negative pa ‘yung energy,” paliwanag ni Marvin sa YouTube channel ni Karen Davila.

Ayaw daw umagaw ng atensyon ng aktor noong mismong araw ng kasal nina Jolina at Mark. “Was that all in my head, ang assuming ko ba na pagtitinginan ako ng mga tao? But I guess baka mangyari ‘yon. I don’t want to steal an inch or a little whatever moment for the couple supposedly that special day for the both of them,” giit niya.

Ayon kay Marvin ay masayang-masaya siya para sa personal na buhay ni Jolina. “I am happy for Jolina because when you find the right person that you would marry and spend the rest of your life with, won’t you be happy for that person? I am hundred percent completely happy because I know Mark. Hindi ko man siya kilala na kasing kilala ko ngayon, but I know that he is a decent guy, good guy and I want Jolina to end up with a good guy like him,” makahulugang paliwanag ng aktor.

Kylie, nai-imagine na ang pagiging lola

Tatlumpu’t dalawang taong gulang na ngayong si Kylie Padilla. Sinisikap umano ng aktres na palaging maayos ang lagay ng kanyang kalusugan para sa dalawang anak na sina Alas at Axl. “Saka ini-imagine ko pa ‘yung ‘pag nagkaanak na sila. Siyempre kailangan malakas pa rin ako bilang lola,” nakangiting bungad ni Kylie sa ‘24 Oras.’

Kamakailan ay nagdiwang ang aktres ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya. Kontrobersyal ang naging photo shoot ni Kylie na mayroong temang Year ‘Year of the  Snake’ na siya ring paunang caption sa Instagram post ng aktres. “Kasi ang unang pasok sa ‘kin ng Year of the Snake, may nagsabi lang na, ‘Oh, Year of the Snake, mag-ingat sa mga ahas.’ Sabi ko ang negative naman. Di ba ang ibig sabihin ng snake, transformation into a new you. Parang ‘yon ang gusto kong sabihin sa post, sa mga picture na ‘yon,” paliwanag ng Kapuso actress.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Kylie sa pamunuan ng GMA Network dahil sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng mga proyekto. Isang bagong serye na ang pinaghahandaang gawin ng aktres ngayon. “I’m really grateful kasi siyempre ang babae after manganak nag-aalala ka eh na baka… di ba? But you know, GMA is very kind to me, and they trust me, so I’m really grateful talaga,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

ACTOR

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->