^

PSN Showbiz

Catriona, inisnab si Moira?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Catriona, inisnab si Moira?!
Moira at Catriona Gray.
STAR/ File

Ginawan ng intriga ng mga netizen ang hindi pagbeso ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa singer-songwriter na si Moira dela Torre.

Kumalat ang isang video sa isang event kung saan kasama sa mga guest si Moira at pati na rin si Maricel Soria­no.

May binesuhan siyang guys pero pagdating kay Moira ay parang napahinto ito at dumiretso lang habang hinawakan niya sa siko nang mabilis lang si Maricel.

Habang ang isang dating PBB housemate na nagngangalang Kai Montinola ay hindi rin naman nito pinansin dahil hindi nga siguro nito kilala.

Iba’t ibang ispekulasyon agad ang naisip ng mga marites sa kumalat na maikling video.

Feeling nila inisnab ni Catriona si Moira dahil nga sa kumakalat na intriga sa pagitan ng Ikaw at Ako singer at sa talent management nitong Cornerstone Entertainment kung saan kabilang din si Catriona.

Maaalalang in-unfollow diumano si Moira ng mga dati niyang kasamahan sa management group na sina Sam Milby, Erik Santos, Yeng Constantino at iba pa.

Habang ang ibang marites naman ay ikinonek ang dalawa kay Sam Milby, na ex ni Catriona at kuya-kuyahan naman ni Moira.

Pero depensa naman ng ibang netizen ay baka naman daw nginitian ito ni Catriona lalo na at ang kuha ng video ay nasa likod niya kaya hindi kita ang mukha nito.

Mukhang ginawan lang ng issue ang dalawa lalo nga ngayon na ninenega si Moira dahil sa kumakalat na diumano’y attitude problem nito.

Hindi rin naman imposible na nagkita na sila backstage o nag-usap sila pagkatapos ng event.

‘Kaloka talaga ang mga marites na lahat na lang ginagawan ng intriga.

CATRIONA

MOIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad